Former Sen. Bong Revilla gusto nang gumawa ng pelikula, ayaw na sa pulitika

Dec 1, 2017

GORGY RULA: Hindi natuloy ang hearing ng Motion for Leave to File Demurrer of Evidence na isinampa ni dating Senator Bong Revilla kaugnay sa kasong plunder na kinakaharap niya.

Itong motion na na-file ni Sen. Bong ay humihingi siya ng pahintulot na payagan ang defense na ipa-dismiss ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya, dahil sa tingin nila ay mahina o insufficient ang mga ebidensiyang inilatag ng prosecution.


Continue reading below ↓

Dapat ay didinggin ngayong araw, December 1, ang naturang motion para mapakinggan ng korte ang oral arguments sa gitna ng defense at prosecution.

Maaaring bigyan ng limang araw ang prosecution na magbigay ng comments sa Motion for Leave to File Demurrer of Evidence.

Kung iga-grant ito ng korte, bibigyan ang dating senador ng 10 araw na mag-file ng Demurrer of Evidence o ipapabasura ang mga ebidensiya laban sa kanya o insufficient of evidence.

Hindi lang sumipot ang dalawang miyembro ng prosecution kaya hindi natuloy ang hearing, at ipina-schedule na lang sa December 7.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kung mabigyan man ng resolusyon ito sa lalong madaling panahon (na parang matatagalan pa), ito ang season na marahil nami-miss ni former Senator Bong Revilla dahil halos lagi siyang may entry noon sa taunang Metro Manila Film Festival.

Lao pa’t nakadalawa siyang Panday, kasama talaga siya sa Panday history na ipinalalabas kaugnay ng promo ng bagong pelikula ni Coco Martin.

Nasa plano ba niya ang gumawa ng pelikula pa kung sakali, Gorgy?


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nabanggit niya noon na gusto na niya talagang gumawa ng pelikula.

Ayaw na raw niya magpulitika. Gusto na raw niya mag-focus na sa showbiz kung mabibigyan pa raw siya ng pagkakataon.

Bale pang-apat na Pasko ito ni Sen. Bong na nakaditene sa Camp Crame, at nagpapasalamat siya na solid pa rin ang suporta ng pamilya at malalapit na kaibigan.

Mabuti raw at napalapit lalo siya sa Diyos kaya hindi sya napapanghinaan ng loob.

Dasal daw ang nagpapalakas sa kanya kahit mag-isa na lang sya sa Custodial Center katabi lang ng selda ni Senator Leila de Lima.

JERRY OLEA: Pinagsabihan ni Manay Lolit ang mga sekyu ni Bong last September na bantayan itong mabuti sa detention center at baka gapangin ito.

Kahit nalulungkot si Bong, hindi ito magpapagapang!

Teka! Kumusta na kaya ang iba pang mga artista na magpa-Pasko sa kulungan?

May pag-asa pa bang lumaya sina Mark Anthony Fernandez, Sabrina M, at Krista Miller? Second Christmas na nila ito sa bilangguan.

Continue reading below ↓

Si Dennis da Silva, 2002 pa nakakulong.

Si Dennis Roldan, 2014 nang mahatulan ng life sentence dahil sa kasong kidnapping.

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results