MMFF 2017: 3 Rated G, 4 Rated PG, 1 Rated R-13

Dec 1, 2017

NOEL FERRER: Payapa at walang masyadong naging problema ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017 sa kanilang pagpapa-rate sa MTRCB.

Naging cooperative naman ang lahat at naayos ang MTRCB rating ng lahat this early.

Rated G o General Patronage ang Ang Panday, Gandarrapido: The Revenger Squad, at Meant To Beh.


Continue reading below ↓

Rated PG naman ang Deadma Walking, Haunted Forest, Ang Larawan, at Siargao.

At nag-iisang Rated R-13 naman ang All Of You.

Mula rito, malinaw ang mga target audience ng entries this year.

Base rin dito, magkakaroon ng pairing ang short films na isasama sa full-length entries na ipalalabas nitong Kapaskuhan.

Masayang makita at mabalitaan ang masipag na pagpu-promote ng bawat pelikula para mahikayat nila ang kani-kanilang target market.

Simula pa lang ng Disyembre at may 24 days pa ang lahat na mag-ingay at gumawa ng epektibong marketing efforts.

Buhay na buhay na naman ang Pista Ng Pelikulang Pilipino!

JERRY OLEA: Ang tatlong Rated G (General Patronage) ang mag-aagawan sa pagiging topgrosser.

Kasama ang mga ito sa first 4 na nag-qualify sa MMFF 2017 base sa screenplay.

Ang apat na Rated PG (Parental Guidance) ay ang apat na napili base sa finished product.

May sapat na panahon ang official entries this year para makapag-promote.

Continue reading below ↓

Ariba na sa provincial tour si Coco Martin para sa Ang Panday.

Siyempre, hindi magpapabaya ang ABS-CBN Network para sa Gandarrapido nina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Hinay-hinay pa lang muna ito dahil nakatuon pa ang promo nila sa Unexpectedly Yours, na blockbuster sa takilya.

Ngayong December, bago mag-Pasko, isa na lang bagong pelikula ang inaasahan naming dudumugin ng Pinoy moviegoers—ang Hollywood film na Star Wars: The Last Jedi.

Bisi-bisihan na ang mga tao sa pagsa-shopping, pagpa-party, at paghahanda sa Kapaskuhan.

Wala na silang oras at interes sa mga kung anik-anik na pelikula, at ang inaantabayanan nila ay ang filmfest simula sa December 25.


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ang sabi naman kasi nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, marami silang love scenes sa All of You.

Ito na nga raw ang pinaka-daring na nagawa ni Jennylyn. Kaya nakini-kinita na nating pang-gabi ang audience ng naturang pelikula.

At nakikita na rin nating ang tatlong pelikulang nabigyan ng Rated G ang maglalaban sa takilya, sa unang araw ng filmfest.

Pero ang isa pang titingnan natin ay alin ang may sustaining power na tatagal sa takilya dahil sa ganda ng pelikula. Aling pelikula ang mananatiling malakas hanggang sa huling araw ng festival.

Wala pa naman akong napanood sa mga pelikulang kalahok, pero nararamdaman kong tatlo sa walong entries ang nanganganib na mabawasan ng mga sinehan at ibigay sa tatlong malakas.

NOEL FERRER: Pero let us all hope na kumita naman ang karamihan ng mga pelikulang lahok this year at tangkilikin talaga ito ng ating mga kababayan.

Isa pang napagkasunduan na rule ng lahat ng producers ng mga MMFF entries, walang maglalabas ng unofficial box-office results until the last day ng festival.

Continue reading below ↓

Ito’y para makapagtulungan ang lahat ng mga entries at hindi nawawalan ng pag-asa at walang mind conditioning sa mga audiences na maliligwak na ang mga nahuhuling entries.

Kapit lang at suportahan lahat. Maganda nga ang suggestion ni Atty. Joji Alonso na itaas sa P200,000 ang penalty ng mapapatunayang pinanggalingan ng unofficial na balita at disqualification sa susunod na MMFF kung mapapatunayan ang paglabag ng napagkasunduang rule.

JERRY OLEA: Marami na rin ang humuhula o pumupusta kung alin ang mangungulelat sa takilya.

May target bang kita ang MMFF 2017?

Mas kapana-panabik at mas masigla ang December filmfest ngayong taon sa pagbabalik nina Coco Martin, Vice Ganda, at Vic Sotto.

Sabik na rin kami kung panggulat ba ang disenyo ng tropeyo sa gabi ng parangal.

NOEL FERRER: Ang mahigitan lang ang nakaraang kinita at makapagbigay ng malaking pondo para sa mga beneficiaries ang layunin sa taong ito.

Pero napaka-upbeat ng lahat at sinasabing kakayanin umabot ng 1B ang kita ng MMFF this year.

Continue reading below ↓

Ay, dito sa PEP ALERTS unang makikita ang specially designed trophy ng MMFF na gagawin ng isang mahusay na artist.

Back to basic ang disenyo na likha talaga ng kamay kaya sa craftsmanship pa lang ay aabangan na.

Ibang iba ito sa tropeyong nakatanggap ng maraming reaksiyon noong isang taon.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results