Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Miss Universe queens Demi-Leigh Nel-Peters and Iris Mittenaere to visit Philippines?

Dec 3, 2017

JERRY OLEA: Rarampa sa Pilipinas sina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at ilan pang Miss Universe contestants sa isang fashion show na sponsored ng Frontrow!

"This will be a night to remember...” tweet pa ng official account ng Miss Universe.

Sa naunang tweet ay sabi pa nito na “They’re looking forward to the incredible hospitality of @Tourism_PHL! #ItsMoreFunInThePhilippines” Wow!

A post shared by Miss Universe (@missuniverse) on

GORGY RULA: Maganda 'yan! Pero puwedeng huwag na silang tumuloy. Problema na naman ng security dito sa atin.

Makakaabala pa sila sa traffic lalo na't magpa-Pasko.

Mas mag-focus na lang tayo sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

May mga isyu pang kailangang linawin ang Department of Tourism, yun muna kaya? Ano ang masasabi diyan ni Cesar Montano?

NOEL FERRER: Well, sa Frontrow parade ang Miss Universe, samantalang si Pia Wurtzbach naman ay sa MMFF sasama with the entry of Vice Ganda kasama rin si Daniel Padilla na Gandarrapido: The Revenger Squad.

Continue reading below ↓

Speaking of parada, sa Gen San naman naglibot ang Panday lead star na si Coco Martin kahapon, December 2, with matching pictures pa with Mommy Dionesia Pacquiao.

Sa Subic naman nagpunta ang Haunted Mansion cast, samantalang may book signing at mall meet and greet naman ang Deadma Walking sa Ayala na kamakalawa ay pinuntahan din ng All Of You.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kailangan talagang magsipag lahat ng entries at base sa panayam ko sa mga producers kagabi sa Level Up: Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer, positibo at confident sila na aabot sa 1 billion ang gross ng MMFF ngayong taong ito.

JERRY OLEA: Wala pang petsa kung kailan ang Miss Universe fashion show sa bansa.

Siyempre, may mga detalye pang paplantsahin, halimbawa’y ang mga tiket.

Dapat kasama rin sa fashion show na iyan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, huh?!

Bongga kung sabay-sabay rarampa sina Pia, Iris at Demi-Leigh.

Keribels pa bang magpasiklab sa fashion show na iyan sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Miss Universe 1973 Margarita Moran? Abangan!

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results