"Super minor" car accident of Winwyn Marquez

Dec 3, 2017

NOEL FERRER: Nabalita ang aksidente ni Winwyn Marquez kahapon, December 2, at mabilis na kumalat ito sa social media.

GORGY RULA: Buti at nasolusyunan din agad.

"Hi Tito!:) okay lang po ako super minor lang as in.

"Nag-tweet lang po ako para sa number ng police kasi mag-cause ng traffic kasi wala pa nag-attend, pero may dumating after a couple of minutes.

"Wala naman anything na aberya."

Yun ang text ng 2017 Reina Hispanoamericana pagkatapos binangga ng trak ang kotseng sinasakyan niya sa may Nagtahan Bridge kagabi.

JERRY OLEA: Marami tayong aabangan kay Wyn next year.

Matapos magpasiklab sa Bench denim and underwear show na Under The Stars last November 18, sa MoA Arena, dapat na may bonggang photo shoot siya para sa Bench Body.

May movie contract siya sa Regal Entertainment. I-remake sana niya ang blockbuster movies ng kanyang inang si Alma Moreno.

Andiyan ang Waikiki, Nympha, Aswang, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Siyempre, magdedesisyon sa usaping ito ang pamunuan ng Miss World Philippines.

Kapuso pa rin ba siya? O magiging Kapamilya na?

Wish ko lang na mapanood muli si Wyn sa isang primetime teleserye kung saan kikinang ang kanyang pagiging reyna ng kagandahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results