2 young female stars, magpapalit ng kapalaran sa 2018?

Dec 4, 2017

JERRY OLEA: Members noon ng all-girl group ang dalawang teen singers na sabay sumubok magkaroon ng solo career.

Kung kani-kanino sila itinambal.

Sinuwerte si Girl #1 sa isang naka-partner niya at dumami ang fans ng kanilang love team.

Mailap ang suwerte kay girl #2 at semplang ang mga experimental tandem na napasama siya.

Pero sa bagong taon ay tila mag-iiba ang ihip ng hangin.

Kumukulimlim ang ningning ni Girl #1 at malaki ang chance na malunod ang career niya sa "La Ocean Deep."

May bagong ka-love team si Girl #2... isang young actor na nagmumura ang pa-bukol.

Pagkakataon na ni Girl #2 na patunayang hindi siya starlet for all seasons.

Hindi na siya shy na magpatambok para sa millennial boys.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Naku, parehong may ginagawang bagong pelikula ang dalawang IT GIRLS na ito.

Yung una, with her ka-love team—to prove to one and all na maisasalba pa ang kanilang pagtatambal after the very unsavory news about them, plus a not-so-encouraging last high-profile project.

Yung isa naman, dismal din ang kanyang last big project pero inaasahang makakabawi siya with his new leading man na kakatiwalag din lang sa kanyang home studio.

In fairness, parehong nakakaarte at may angking ganda ang dalawang ito ha.

Kailangan lang ng dagdag ng kinang at alagwa sa kanilang mga career.

GORGY RULA: Iisa lang naman sila ng management group kaya hindi na sila pababayaan niyan.

Nasa dalawang young stars na 'yan kung paano nila alagaan ang kanilang career.

Kaya lang, si Girl #1, sa guwapitong BF yata sya naka-focus.

Ang balita, binabantayan daw niya ito nang bonggang-bongga kapag gumigimik. Hanggang sa makauwi raw ay bantay-sarado ni Girl para di mapahamak.

Continue reading below ↓

Kinatatakutan nilang masangkot ito sa illegal na isyu eh! Mahirap na. Kaya hindi raw talaga ito nilulubayan ni Girl.

Buti si Girl #2, focused sa career. Ewan ko kung nagkatuluyan na ba sila o friends pa rin ng male singer na ang galing mag rap?

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results