AlDub at Vice Ganda, umarangkada sa Twitter ngayong 2017!

Dec 5, 2017

JERRY OLEA: Tweet ng Twitter Philippines, ang most tweeted accounts sa Pilipinas ngayong 2017 ay Maine Mendoza (4.5M followers), Alden Richards (4.7M followers), at AlDub Nation (78.5K followers).

Pinakamasipag mag-tweet sa bansa ang mga tagahanga nina Alden at Maine kaya laging nagte-trending ang AlDub.


Pero wala sina Alden at Maine sa Top 10 ng Filipino accounts na may pinakamaraming tagasunod.

Continue reading below ↓

Ang bagong reyna ng Twitter sa Pilipinas ay si Vice Ganda (10.1M followers), closely followed by Anne Curtis (10M followers), at Angel Locsin (9.9M followers).

Sumunod sina Kathryn Bernardo (7.8M followers), Yeng Constantino (7.1M followers), Bianca Gonzalez-Intal (6.9M followers), Daniel Padilla (6.6M followers), Relationship, MYX Philippines, at Lucky Manzano.


Sa talaan ng most tweeted moments in the Philippines, #9 lamang ang AlDubNation Festival.

Continue reading below ↓

Sa listahan ng most tweeted hashtags sa bayang magiliw, nganga sa Top 10 ang AlDub.

NOEL FERRER: And what are they twitting about is the question.

Malungkot ba sila na friends lang sina Alden at Maine, or kasama ba sila sa white rally na umaasang may maganap pa sa kanila sa totoong buhay?

Nasaan na nga ba si Maine? What will her next move be?

Sabi namam ni Mr. Tuviera, “ALDUB will always be there.”

Twitter followers and all, sana kasama na sa move ng paramihan ng mga followers ang paglawak ng kanilang pang-unawa at pagmamahal sa kanilang idolong artista o personalidad.

GORGY RULA: I believe (I believe talaga oh!), kaya naman ng ALDUB na umangat kung gugustuhin nila.

Pero ano ba ang itu-tweet nila? Nasa bakasyon si Maine. Naiwan si Alden sa Eat Bulaga.

Nag-trending nung Linggo ang guesting ni Maine sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Super tweet din ang Aldenatics sa Magpakailanman ni Alden, natalo naman ng MMK.

Continue reading below ↓

Since si Vice Ganda nga ang nangunguna sa Twitter world, malaki nga ang posibilidad na mangunguna sa takilya ang Gandarrapido nya sa MMFF?

Sana magpakitang gilas naman ang AlDUB at suportahan sa socmed ang Meant to Beh bilang may guest appearance naman doon sina Alden at Maine.

Pero si Coco Martin na di naman ganun ka-active sa Twitter, pahuhuli ba ang Ang Panday niya? Abang-abang na lang natin.

JERRY OLEA: Lagi pa ring nangunguna sa ratings ng Kantar Media ang teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

Ang sipag-sipag ni Coco na mag-promote sa mga probinsya ng MMFF 2017 entry niyang Ang Panday.

Hindi lang pamprobinsya ang promo ni Coco, pang-abroad pa! Kasama si Coco sa Kapamilya Fiesta World sa December 8 sa Florence, Italy.

Meant to be na mag-topgrosser sa MMFF 2017 ang bagong Panday!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results