Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Miss Universe beauties, isa-isa nang nagsisidatingan sa Pilipinas

Dec 5, 2017

GORGY RULA: Ngayong araw, December 5, magsisimula nang magdatingan ang Miss Universe beauties na pangungunahan ng reigning Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters kasama ang Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Napag-alaman ng PEP Alerts Squad na mamayang gabi, bandang alas-diyes, ang dating ni Mittenaere sakay ng Qatar Airways 928.

Thank you @michael5inco for this amazing dress �?��? #finalwalk #missuniverse

A post shared by Iris Mittenaere |Miss Universe (@irismittenaeremf) on

Susundan ni Nel-Peters sakay ng Eva Air 261 galing New York.

Ilan pa sa mga kandidata ng Miss U na ka-join ay si Ms. Canada Lauren Emily Howe, na dumating na kaninang 8:45 ng umaga lulan ng PR 119.


Continue reading below ↓

Ms. Canada Lauren Emily Howe

Darating din ngayong hapon si Ms. Singapore Manuela Bruntraeger sakay ng PR 502, si Ms. Great Britain Anna Maria Burdzy sakay naman ng Etihad Airlines 424, si Ms. China Qiang Qui sakay ng CX 919, Ms. Italy Maria Polverino sakay naman ng Turkish Airways TK084, kasama sina Ms. Russia Ksenia Alexandrova at Ms. Netherlands Nicky Opheij.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kinagabihan ay darating naman si Ms. India Shraddha Shashidhar sakay ng Cathay CX 903. Susundan ni Ms. Malaysia Samantha Katie James ng PR 528.

Bandang 11 ng gabi naman ang dating ni Ms. Korea Sewhee Cho sakay ng PAL PR 467 mula Incheon.

Bukas ng umaga ang dating Ms. USA Kara McCullough sakay ng PR 105 mula San Franscisco, California.

GORGY RULA: Ayon kay Department of Tourism Secretary Wanda Teo, ang Pilipinas ang unang bansang bibisitahin ni Demi Leigh Nel-Peters bilang bahagi ng kanyang opisyal na function bilang Miss Universe 2017.

Continue reading below ↓

Bukas ay may tour siya sa Maynila kasabay ng press conference at welcome dinner sa gabi.

Sa Huwebes ay dadalo ang Miss Universe at ibang beauties sa isang charity ball at Christmas party ng DOT.

Sa Biyernes ay lilipad sila sa ilang tourist destinations ng bansa kagaya ng Batanes, Bohol, at Camiguin.

Sa Sabado naman ang gala night at fashion show na rarampahan nilang lahat.

NOEL FERRER: Sana nga maranasan ng bagong Miss Universe ang “hospitality” ng mga Pinoy, pero bukod sa gastos na kaakibat nito, sana makinabang din ang Pilipinas sa gawaing ito aside from promotion ng tourism sa ating bansa.

As it is, ano pa nga ba ang gains natin sa pagbisitang ito, mga kapatid?

JERRY OLEA: Kasali ba sa fashion show si Rachel Peters?

Ang hindi dapat mawala, si Miss U 2015 Pia Wurtzbach.

At magkaroon kaya ng offers mula sa local TV networks si Iris?

Kumbaga, sundan kaya ni Iris ang mga yapak ni Dayanara Torres?

Continue reading below ↓

Gaya ni Iris, sa Pilipinas kinoronahan si Yari bilang Miss Universe.

Di ba, nang ganapin ang 23rd Miss U noong 1974 sa Folk Arts Theater, ang ilang banyagang kandidata roon ay nag-showbiz sa Pilipinas?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results