Deadma Walking, suportado ng mga taga-film industry

Dec 8, 2017

JERRY OLEA: Fabulous ang preview ng MMFF 2017 entry na Deadma Walking sa UP Town Center kagabi, December 7.

Dumating ang MMFF 2016 Best Actor na si Paolo Ballesteros (Die Beautiful).

'Tsurang farewell walk ang rampa niya at magsasalin ng “korona” kay Joross Gamboa o kay Edgar Allan Guzman.

Andiyan din ang co-star ni EA sa My Korean Jagiya na si Alexander Lee.

Excited ang usyoserang fans na nagpa-picture sa kanya, na magiliw niyang pinagbigyan.

Sumuporta rin si Angel Locsin, na mabenta rin siempre sa mga selfie-selfie.

NOEL FERRER: Heto officially ang sabi ng Cinema Evaluation Board report on why “Deadma Walking” got an A rating:

- Superb storytelling

- Brilliantly visualized

- Combines humor, drama, and camp to come up with the right mix seldom seen in the yearend filmfest

- Witty exchanges and believable characterization

- That it was successfully transposed from a Palanca-winning script to the screen is a triumph in itself

Continue reading below ↓

- Cinematography is very good

- Production design has wow factor

- Musical score made good use of local talent

- Good performances from the entire cast

- The dark, morbid subject matter treated lightly is altogether entertaining and engaging

- The gay tragicomedy is a different fare for the filmfest and does not disappont

Pero ang real strength din ng movie ay ang goodwill na mararamdaman mo sa suporta ng mga tao rito.

Ang direktor na si Julius Alfonso ay dalawang dekada nang assistant director sa lahat ng mahuhusay na direks, at heto, sobra siyang na-touch sa full support ng mga kaibigan at mentors niyang sina Direk Joel Lamangan at Marlon Rivera na may significant cameos sa pelikula at dumalo pa sa nasabi special screening.

Si Joross na "Pambansang Best Friend" sa kanyang mga roles ay bida na, kaya naman full support sa kanila ni EA ang mga nakasama nila sa trabaho tulad ng box-office star nang si Empoy Marquez!

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Sa mga pumunta sa screening ng Deadma Walking, meron kaya dun inggit na inggit at gusto nang kumawala ang itinatagong kabadingan sa kanyang puso?

Maingat lang kasi sa pagkilos dahil minsan hindi siya aware napapakembot talaga siya.
Masyado lang talaga siya sensitive sa isyung kabadingan.

JERRY OLEA: Deadma na lang ako sa pagiging box-office star ni Empoy kaugnay sa The Barker. Mabait siya at mapagkumbaba, eh.

Continue reading below ↓

Mas mahaba ang exposure ni Direk Joel Lamangan sa trailer kesa sa mismong movie.

Pero sa dami ng nag-cameo sa Deadma Walking, sa kanya ako humagalpak nang husto!
Bravo, Direk Joel!

Aliw-iw ang comment ni Direk Joel nang usisain namin tungkol sa baguhang aktor na si David Licauco.

Nakakatuwa ang cameo ni Piolo Pascual, huh! Ito ang una niyang paglabas sa isang gay movie.

Kumukurot din sa puso ng mga beshie ang eulogy ni Gerald Anderson.

Matagal na nating alam na magaling si Dimples Romana, pero nasu-surprise pa rin tayo sa kanya.

At kung sina Joanna Ampil and Rachel Alejandro ay parehong pam-best actress para sa Ang Larawan, sina Joross & Edgar ay pareho namang pam-best actor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results