Barbie Forteza at Derrick Monasterio, sa Italy ang shoot ng movie!

Dec 9, 2017

JERRY OLEA: Paalis na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio next week pa-Italy para mag-shoot ng rom-com movie na Almost A Love Story para sa BG Production International, sa direksiyon ni Louie Ignacio.


December 14 ang start ng shooting nila. Ang locations—Venice at Tricase.

Asahan natin ang mga bonggang pa-kilig ng DerBie na apaw sa passion and romance!

Continue reading below ↓

Single ngayon si Derrick, kaya walang magseselos sakaling mag-init ang pagtingin niya sa dalaga.

Ang sabi naman ni Barbie, kaibigan niya si Derrick, kaya hindi dapat magselos ang nali-link sa kanya.

“Poprotektahan ko si Barbie!” sey ni Derrick.

NOEL FERRER: Sana mahawahan ni Barbie ng husay sa pagganap si Derrick lalo pa’t mukhang gagastusan at pa-Italy pa talaga sila nagshoo-shoot.

Sana SAKTO at hindi ALMOST ang ibibigay nilang good performance.

Will this achieve what Direk Louie achieved in AREA? Abangan!


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Matagal nang gustong gawin nina Barbie at Direk Louie ang project na ito, na alab-alaban at nakakadarang ang mga pa-kilig.

Ito ang unang mainstream movie ng BG Production. Hindi ito pam-filmfest, kundi para sa millennials.

“Kalma lang kami sa movie na ito,” sabi ni Direk Louie.

“May moments na nakakaiyak, nakakatawa, nakakakilig. Light lang.”

Nasa cast din nito sina Lotlot de Leon at Ana Capri.

GORGY RULA: Ipinakita ni direk Louie Ignacio ang apron na isusuot ni Derrick Monasterio.

Naka-topless lang daw siya at yun lang daw suot nya bilang pintor. Parehong pintor daw sila ni Barbie dito.

Iyon lang, okay na ako. Ayoko nang hanapin pa kung magaling siya umarte o ano. Basta ang ganda ng katawan niya at mapapanood daw dun sa movie.

Ayoko naman mag-expect pa ng kung ano pa sa pelikulang 'yan. Ganda ng katawan ni Derrick, ang galing ni Barbie, at ang ganda ng Tricase at Venice sa Italy, okay na yun.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results