FIRST READ ON PEP: Wendell Ramos, ikakasal sa kanyang longtime partner ngayong araw

Dec 9, 2017

NOEL FERRER: Uunahan ni Wendell Ramos sina Max Collins at Pancho Magno at Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa pagpapakasal.

Mamayang alas-tres ng hapon, December 9, magaganap ang kasal ng aktor sa National Shine of Mary Help Of Christians sa Bgy. Don Bosco sa Parañaque City.

Ikakasal si Wendell kay Kai na matagal na rin niyang kinakasama. Nais lang niya na may basbas ng simbahan ang kanilang kasal.

a very productive day with my partner.. �???�??�#godisgreatallthetime #blessed�???

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramos2015) on


Continue reading below ↓

Kagabi, December 8, sa instagram account ni Wendell, nagpapasalamat siya kay Paul Cabral na isa sa mga best men at ang sabi’y see you tomorrow.

Simple at bilang lang ang mga imbitadong artista sa kasal.

Kasama na diyan ang mga naging malapit kay Wendell sa kanyang management company with Perry Lansigan, sina Dingdong Dantes at Gabby Eigenmann; pati na ang ilang kaibigan na sina Joey Marquez, Direk Ruel Bayani, Antonio Aquitania, at Joross Gamboa.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Best wishes, Wendi (tawag namin kay Wendell)!

Sa church wedding na ito, hindi na Wendell Liit ang kanyang anak. Wendell Laki na!

Yummylicious pa rin si Wendell, na may cameo sa MMFF 2017 official entry na Deadma Walking. Sa simbahan ang eksena niya roon.

Cheers!

GORGY RULA: Congratulations kay Wendell at Kai.

Ang naalala namin si Tito Douglas Quijano, ang discoverer at mentor ng aktor.

Biglang nag-flashback sa amin nung nasa Padi's Point kami sa Timog na dumating si Wendell na hiyang-hiya kay Tito Dougs dahil sa nawala siya for awhile at hindi nag focus sa trabaho.

Tinapik niya sa likod si Wendell, niyakap isya ng aktor na nagsu-sorry. Seryoso silang nag-usap at nangakong magpu-focus na sa trabaho at iwasan na ang bisyo.

Nakabalik si Wendell at gumanda ang takbo ng career.

Kung buhay lang si Tito Dougs, tiyak na siya ang isa sa pinakamasaya sa araw ng kasal ni Wendell.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results