Joross Gamboa, hindi pinagdudahan ni Misis kahit very convincing ang pagba-bading

Dec 12, 2017

JERRY OLEA: Convincing ang pagbabading ni Joross Gamboa sa MMFF 2017 entry na Deadma Walking—with matching pagmu-mujer—pero hindi nagduda ang kanyang wifey sa kanyang pagkalalaki matapos nitong mapanood ang movie.

Kuwento ni Joross, nag-taping siya sa morning program na Magandang Buhay at sinorpresa siya roon ng kanyang asawa kasama ang dalawang anak nila.

Kaya isinama na niya si Misis sa first screening ng movie last week sa UP Town Center.

Nang gabing iyon eh “inayos” ni Misis sa kuwarto ang dapat ayusin, at pinatunayang lalaki si Joross.

“Very supportive ang asawa ko,” aniya pa.


Continue reading below ↓

Siyanga pala, ibinalita ni Joross na naaprub na ng digital arm ng ABS-CBN ang script na isinulat niya.

Isa itong coma (comedy drama) na siya mismo ang magdidirek.

May mga naiisip na siyang artista sa directorial debut niya.

Sey ni Joross, “May budget na! Hopefully, makapag-start na kami ng shoot sa January!”

NOEL FERRER: Masaya lang tayo na ang Pambansang Best Friend ay bida na.

After Deadma Walking, kung saan suportado siya talaga ng mga kaibigan niya sa industriya, si Joross naman ang leading ni Juday sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na showing na sa January.

Matagal na ring pinaghahandaan ni Joross ang pagsabak sa creative at production side ng paggawa ng programa at pelikula.

Inuna niyang magsanay sa storytelling at scriptwriting—at nagtapos siya sa intensive training at workshop sa ilalim ng mentors niyang sina Direk Olive Lamasan at Ricky Lee.

Sa pagsasanay pagka-director, halos mag on-the-job training siya kay Direk Cathy Garcia-Molina at lagi rin niyang inu-observe si Direk Erik Matti na kasama naman niya sa Buy Bust.

Continue reading below ↓

That’s Joross for all of us, hindi lang pang on-cam, pati pang off cam pa!!!

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results