Ang Larawan, graded A ng CEB; tumugma rin kaya sa panlasa ng mga manonood?

Dec 13, 2017

NOEL FERRER: Tatlong pelikula ang ni-review ng Cinema Evaluation Board kahapon, December 12.

Nakakuha ng Grade A ang Ang Larawan ni Loy Arcenas tampok sina Paulo Avelino, Rachel Alejandro, at Joanna Ampil.

Nakakuha naman ng Grade B ang mga pelikulang Haunted Forest ni Ian Lorenos starring Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal, at Jon Lucas; pati na ang Siargao ni Paul Soriano starring Erich Gonzales, Jericho Rosales, at Jasmine Curtis-Smith.

Sa naunang review, umalagwa na ang Deadma Walking ni Julius Alfonso sa kanilang Grade A; samantalang Grade B naman ang Gandarrapido, The Revenger Squad ni Joyce Bernal, Ang Panday ni Rodel Nacianceno (Coco Martin), at All Of You ni Dan Villegas.

Ang Grade A na mga pelikula ay bininigyan ng 100% tax rebate, samantalang ang Grade B ay may 65% tax rebate.

Ang tanong, tutugma kaya ang panlasa ng CEB sa iba pang manonood ng pelikulang Pilipino?


Continue reading below ↓

Ang Larawan cast members

GORGY RULA: Napanood namin ang dalawang pelikulang binigyan ng grade ng CEB at agree ako sa kanila.

Hindi lang ako sure kung yun din ang tingin ng karamihan sa mga manonood.

Pero hindi natin malalaman kung alin ang mag-topgrosser at kung alin ang mangungulelat dahil hindi raw maglalabas ng box-office results sa buong festival, di ba, Sir Noel?

JERRY OLEA: Parehong dekalidad ang Deadma Walking at Ang Larawan, na deserving sa gradong A mula sa CEB.

Wala akong itulak-kabigin kina Joanna Ampil at Rachel Alejandro para sa best actress sa Ang Larawan.

Wish ni Direk Julius Alfonso na magtabla bilang best actor sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman para sa Deadma Walking.

Ang galing ni Derek Ramsay sa labas-litid na confrontation nila ni Jennylyn Mercado sa All Of You, kaya hindi ko kukuwestyunin kung siya ang tanghaling best actor.

Ang tatlong movies na iyan pa lang ang napanood ko sa 8 official entries ng MMFF 2017.

Continue reading below ↓

Sa Sabado, December 16, naka-schedule ang preview ng horror entry na Haunted Mansion.

If only for Hashtag Jameson, bet kong mag-#3 ito sa box-office.

Naba-vibes ko na meant to be topgrosser ang Ang Panday. Papandayin ni Coco Martin ang takilya!

 Papangalawa ang Gandarrapido nina Daniel Padilla at Vice Ganda.

NOEL FERRER: Napagkasunduan ng lahat ng mga may lahok na producers na walang ilalabas na box-office figures ng mga pelikula until after the duration of the festival.

May multang 200k at ang posibleng pagkaka-disqualify ng produksyon sa pagsali sa susunod na MMFF kapag napatunayang sila ang nag-release ng box-office results.

Ito’y ginawa para magsuportahan ang lahat ng mga entries at hindi mag-create ng bandwagon effect at tuluyang mapag-iwanan sa takilya ang ibang pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results