Edgar Allan Guzman, bet ang katawang lupa ni Derek Ramsay!

Dec 13, 2017

JERRY OLEA: Bet ni Edgar Allan Guzman ang katawang lupa ni Derek Ramsay.

Bading na bading si EA sa MMFF 2017 entry na Deadma Walking.

Kung naging tunay siyang bading, sino ang type niya?

Napaisip ang winner sa Miss Ganda, este, Mr. Pogi pala, “Sino ba? Gusto ko yung malakas ang dating, e. Yung malakas ang sex appeal... Gusto ko, malakas ang sex appeal...

“Ahh... sino ba? Ahh... nakikita ko, Derek Ramsay ako.”

Buhkit?!

Napangiti si EA, “Si Derek... malakas ang sex appeal ni Derek Ramsay. Tingnan mo naman yung mga movies na ginawa nila ni Anne Curtis, di ba?

“Kahit kayo, di ba? Aminin n’yo ‘yan...

“Para sa akin, kung magiging beki lang ako... kasi, I admire him, sa ganda ng katawan niya.

“Bilang lalaki, idol ko siya. Gusto kong maging ganun ang katawan,” sabi ni EA sa presscon ng movie nila ni Joross Gamboa sa Limbaga 77 restaurant, sa QC, kahapon, December 12.

Continue reading below ↓

Mula sa Limbaga 77 ay sumugod kami sa SM Megamall para sa preview ng MMFF 2017 entry nina Derek at Jennylyn Mercado na All Of You.

Napahalakhak si Derek nang kunan namin ng reaksiyon sa revelation ni EA, na malamang na kalaban niya sa pagka-best actor sa filmfest.

“Ha ha ha ha ha ha ha!” mataginting na tawa ni Derek.

Continue reading below ↓

“Thank you very much. I don’t know what to say.

"Pero hindi naman kami maglalaban.

“We’re all in here to help Philippine cinema, and we’re all gonna support each other. That’s my way of thinking.

“So, we’re both nominated and I think that’s already an accomplishment in itself.

“So, I’ll be probably proud of him if he wins and he’s very deserving. Ahh... this is just a bonus.

“The important thing is nakagawa tayo ng magagandang pelikula, and they definitely have a brilliant movie, and I’m very confident of our movie.

“So, sana lang, suportahan lahat ng tao, lahat ng pelikula especially this one! Ha ha ha ha ha!

“I’m very supportive to all my co-actors and actresses in the industry.

“Best actor? Would I be happy and proud if I win? Of course. I’m not gonna lie.

“But that’s not the goal. The goal rather is to have best picture.

Continue reading below ↓

“I’d rather have best picture than best actor.”

NOEL FERRER: Lagi ngang sinasabi na ang peg o inspirasyon ni EA sa mga beki na roles ay ang kanyang kapatid na out at respectable at makulay din ang buhay.

Bigay na bigay si EA sa kanyang Crying Divas segment sa MMFF entry na Deadma Walking. At malamang yun ang gagawin nilang bonggang production number sa Awards Night presentation.

Continue reading below ↓

Nakakatawa ang pagkakasabi ni EA kung paano nila inipit at itinago ang kanyang mga (Christmas) balls.

Yun, kaya lalo pang naging mapanghamon ang papel nila ni Joross dahil kailangan itago at ipitin nila si Junjun habang umaarte nang napakahusay sa kanilang Graded A ang pelikula.

GORGY RULA: Kung talaga namang tunay kang lalaki, kaya mong sagutin ang ganung tanong, na kung sakaling beki ka, sino ang matataypan mo.

Subukan kaya natin itanong 'yan sa ibang aktor o kaya singer na hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin ang kasarian? Kaya ba nilang sagutin 'yan?

Simulan nating itanong sa isang guwapo pero napakabait na dramatic actor?

O kaya sa isang magaling na singer na natsitsismis daw ngayon sa isang kapwa singer na nasa isang kuwadra ng management group?

Paano kaya nila sagutin 'yan?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results