Coco Martin, "Coco-ronahan" bilang bagong Hari ng Pelikulang Pilipino dahil sa Ang Panday

Dec 15, 2017

JERRY OLEA: “It’s unfair! It’s unfair!” (Pahiram ng linya, Bb. Susan Roces.)

Ang Miss International 2016 na si Kylie Verzosa, may kissing scene kay Flavio Batungbakal (Coco Martin) sa MMFF 2017 entry na Ang Panday.

Pero si Mariel de Leon, waley!

Bakit? Anyare?

“Hindi naman kailangan sa istorya. Saka nahihiya ako kina Tito Boyet de Leon at Tita Sandy Andolong!” nakangiting paliwanag ni Coco, na bukod sa bida ay direktor at prodyuser ng nasabing pelikula.

Kumusta kamo ang directorial debut ni Coco?

“Magaling! Magaling!”

Pambata na, pampamilya pa!

Lalong tumibay ang pananalig namin na ito ang magta-topgrosser sa filmfest matapos namin itong mapanood.

Binulabog ni Coco ang Trinoma nang mag-preview ito roon kahapon, December 14.

Napapatili at tuwang-tuwa ang mga nakasilay sa kanya na humahangos patungo sa Mango Tree para sa party with the media people.

Preview pa lang, blockbuster na ang arrive!

“Coco! Coco!”

Coco-ronahan bilang bagong Hari ng Pelikulang Pilipino!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER : Hindi makakailang ginastusan talaga itong pelikulang Ang Panday.

Hindi man kumpirmado pero umabot daw ng P100M ang production budget nito.

At halos one third ng budget ay napunta sa special effects na tiyak kagigiliwan ng ating mga kababayan.

Pati nga sa promo ng pelikula ay todo-buhos din ang Panday.

Nakailang provincial sorties na si Coco at tuwing ginagawa ito, sarili niya itong gastos at ang daming giveaways.

Ang participation ng Viva ay ang rights ng Carlo Caparas classic, at ang Star Cinema naman ay ang distribution expense.

All the others, halos gastos na ni Coco at ng kanyang CCM Productions.

At totoo bang umabot ng 1M ang ginastos sa giveaways sa press sa nangyaring media preview at party kahapon?

Ibang klase talaga ang Panday experience na sinasabi nila kung ganun nga!

JERRY OLEA: Naka-37 shooting days ang pelikulang Ang Panday sa loob ng limang buwan.

Isiningit-singit ni Coco ang shooting habang nagte-taping ng teleserye niyang Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Ang gaganda ng mga location nila, huh?!

Ang hindi natupad eh iyong wish ni Coco na mag-shoot sa Batanes. Walang oras

Dahil sa hectic na schedule niya, nanlulumo si Coco pag umuulan.

Makikita sa movie na pinagkagastusan ito. Fabulous ang special effects na ikatutuwa ng mga bata, pati ng mga young once.

Nasa movie ang iconic scenes ng orig Panday movie na pinagbidahan ni FPJ

Ngayon pa lang ay sabik na kami sa sequel nito.

Para sa millennial teens ay pampakilig dito ang McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson), pero kahit tanggalin sila sa movie ay hindi iyon makakaapekto sa daloy ng kuwento.

May shining moment si Awra, na kunwari ay mahilig mag-boxing ngunit gustung-gustong sumali sa Miss Mariposa beauty pageant ng kabilang barangay.

Oh, yes, Tito Noel! Pakiwari namin ay mahigit P1M ang ginastos ni Coco sa press preview!

Grand prize sa raffle eh P100K, na nakamit ni Ahwel Paz. Ipina-raffle ni Ahwel ang P30K sa press (tatlong P10K). Magbabahagi rin siya sa charity.

Continue reading below ↓

May nagkamit ng P50K.

If I remember right, dalawa ang P20K. More and more ang P10K at P5K raffle prizes.

Siyempre, walang umuwing luhaan. P3,500 ang pinakamababang iniuwi ng mga imbitado.

Eh sandamakmak pa ang giveaways.

Sadyang namudmod ng biyaya si Coco para sa ekonomiya!

GORGY RULA: Dito ako bilib kay Coco Martin dahil lahat ng pinapasok nito ay talagang pinagbuhusan niya ng oras at kadatungan.

Kaya isa rin ako sa umaasang makabawi rito si Coco dahil hindi lang talento at pera ang ipinuhunan niya rito kundi pati ang kalusugan niya ay nadamay.

Kamakailan lang ay na-hospitalize si Coco dahil sa sobrang pagod, di ba?

Kaya naman isa sa nananalangin na mabalik ang lahat na ipinuhunan ni Coco sa malaking proyektong ito ay si Julia Montes.

Sabi ng Kapamilya actress nang nakausap ng ilang reporters sa nakaraang Anak TV awards; “Bukod sa suportang personal, siguro prayers din. I’m very happy for him kasi maski noon nung nag-start siya, nakikita ko na yung talent niya, and ngayon pinapakita niya sa inyong lahat kung gaano siya kagaling at kung ano yung creative mind na meron siya.”

Continue reading below ↓

Kaya pagkatapos daw nitong Ang Panday, sana makapagpahinga na raw si Coco dahil kailangang-kailangan daw niya ito.

“Siya kasi yung taong mapapagod na ang lahat, siya yung huling mapapagod. Pero siguro it’s about time na dapat na mag-focus siya sa health niya kasi matagal na yan eh,” sabi pa ni Julia.

Sana nga masulit itong lahat na hirap ni Coco.

Kaya itong Ang Panday ang isa sa gusto kong mapanood agad kasi iba naman ang narinig ko sa ilang reporters na nakapanood sa press preview.

Hindi sila gaanong na-impress at nahahabaan daw sila? Ito yata ang pinakamahabang pelikula sa walong pelikula sa MMFF 2017.

JERRY OLEA: Bilang direktor, pinaghalo ni Coco ang natutunan niya sa mainstream at indie sa pelikulang ito.

Hindi pang-award ang movie, pero katanggap-tanggap na manalo ito para sa visual effects at gender sensitivity.

Walang pretensiyon na magpakalalim ang Panday.

Aaliwin lang nito ang mga bata. Pakikiligin ang millennials.

Continue reading below ↓

At hindi mabibitin ang naghahanap ng maaaksyong eksena.

Nakakatuwa na nag-shoot ito sa simbahan ng Pakil, Laguna, kung saan nag-taping noon ang teleserye ni Coco na Juan dela Cruz.

Napakunot-noo lang kami sa anggulo kaugnay sa mga tokhang at aswang.

Pero gaya ng nasabi ko, papandayin ni Coco ang takilya!

Read Next
Read More Stories About
Coco Martin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results