Jasmine Curtis Smith, magiging Kapamilya na?

Dec 15, 2017

JERRY OLEA: Magiging Kapamilya na ba si Jasmine Curtis-Smith?

Magsasama na ba sila ng ate niyang si Anne Curtis sa isang teleserye?

Dumating si Jasmine sa ABS-CBN ‘Just Love’ Christmas mas party for media people sa Dolphy Theater, kagabi, December 14.

Siyempre, nag-promote siya roon ng MMFF 2017 entry nila nina Jericho Rosales at Erich Gonzales, ang Siargao.

Bungad ng dalaga, “Hindi ako kakanta. Hindi ako biniyayaan ng magandang boses.

“Abangan na lang ninyo ang pelikula ko para maganda ang maibigay kong performance sa inyo.”

Sexy na before si Jasmine. Pero mas maalindog siya ngayon.

Pumayat ba siya dahil sa movie? Dahil nakipagkabugan siya ng hubog kay Erich?

“Pagkatapos ng shooting namin, nagtuluy-tuloy na ang pagpayat ko,” mabilis na tugon ni Jasmine.

“Kasi, wala na akong yaya. Wala na akong driver.

“Nabigla ang katawan ko sa biyahe, sa pagod ng pagluto, paglaba, pag-alaga ng dalawang aso.

“Iyon lang ang sagot doon.”

Continue reading below ↓


So, Kapamilya na ba siya?

“Wala pa naman,” sabi ni Jasmine.

“Mga interview lang with Tito Boy [Abunda]. May annual visit kasi ako dito sa ABS-CBN para sa mga interview at promos tuwing may pelikula ako.

“Kaya napaka-thankful ko at nakaka-visit ako, nakakatawid ako kahit ano pang network ko before.”

Continue reading below ↓

@jascurtissmith at #JustLove Christmas Party for entertainment media and bloggers.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

NOEL FERRER: From being a Kapatid, napabalitang hinihintay na lang maging Kapuso si Jasmine.

Pero matagal na ang lumipas na panahon at wala pa ngang major project sa TV si Jasmine except yung digital project niya sa TV5.

Anyare kaya dun?

Yes, she gave a really good performance as the supporting actress sa Siargao, which may earn her a nomination.

Mukhang sila ni Dimples Romana ng Deadma Walking ang matunog na maglalaban para sa award. Exciting.

But what’s taking the nego too long? Well, I know Jasmine does not come cheap huh...

GORGY RULA: Kung magiging Kapamilya si Jasmine, hindi maiwasang mapagkumpara sila ng Ate Anne Heussaff niya, at makikitang mas magaling siya kay Anne pagdating sa acting.

Mas may dating nga lang at mas masuwerte si Anne kesa sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
Jasmine Curtis-Smith
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results