Balik kahoy ang inalipustang MMFF trophy nung 2016

Dec 15, 2017

NOEL FERRER: Balik kahoy ang trophy ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ang naatasang gumawa nito ay ang artist na si Clifford Espinosa ng Espinosa Arts and Design, na ang extensive collection ng mga likha ay naging malaking bahagi ng ASEAN Summit Opening Ceremonies na ginanap sa Cultural Center of the Philippines kamakailan lamang.

Nakabase sa logo ng MMFF ang design concept. Ang ibinigay ko na guideline bilang MMFF Execom Member ay ang pagsasanib ng film reel at play button na mga gulong sa jeep sa bagong MMFF logo-design na nagpapahiwatig ng pag-evolve ng pelikula mula pa noon hanggang ngayong digital filmmaking age na.


Continue reading below ↓

Ang sabi ng artist na si Clifford Espinosa, "Ang clapperboard ay naging 3D at nagwawangis megaphone, at yung mga linya niya ang naging waves, which represent light and sound as they travel in space. At the same time; yung tatlong butas sa reel ay sumasagisag sa tatlong major components ng filmmaking: Tao, ang Kuwento at Teknolohiya.”

“Ang kahoy ng reel ay doble, at magkabilaan: to represent ang dualism ng buhay: yung typical tawa at iyak ng pelikula.

“Ginawa kong malapad para salong mabuti ang ilalim ng trophy. Ang base ay patong-patong na kahoy na pirapiraso sangayon sa mungkahi ni Sir Noel para ipakita ang kasaysayan ng pelikula. May maayos na hawakan ng kamay,puedeng isang kamay sa kaliwa o kanan, at puwede ring dalawang kamay pag itinaas.”

“Lahat ng kahoy ay centuries old, kinamay, ginawa at tyinagang lihain, walang pako.”

Aral at sinanay ng kanyang mentor na si Jerry Araos noon pang 1987, itong artist-architect-environmentalist at sculptor ay gumagawa ng mga functional art pieces base sa kuwento ng mga tao.

Continue reading below ↓

“Design should be meaningful, functional and have human value,” sabi ni Clifford.

Dahil isang staunch environmentalist, ang ginagamit ni Clifford bilang materyal ay second hand wood dahil ayaw niyang maging kasabwat pa sa pagpuputol ng mga buhay na puno. Hangad niya na makalikha lagi ng magandang bagay mula sa mga recycled materials.

Ihaharap ni Clifford ang sample ng bagong MMFF trophy bukas sa press.

GORGY RULA: Parang di ko mawari ang design. Sorry ha?

Sana maganda ito sa real. Kasi parang hindi kasi mukhang trophy. Mukhang gamit ng karpentero eh.

Baka nasanay lang ako sa dating trophy na may flame, dahil yun na ang dati pang itsura ng pang-MMFF trophy.

Sa totoo lang, hindi naman ganun kahalaga ang look ng trophy. Ang mahalaga, mapupunta sa karapat-dapat ang karangalan.

NOEL FERRER:Between a generic piece of glass (or fiber glass) na puwedeng mabili sa kahit anong trophy shop, para pelikula, mas okey naman ang may kuwento at artwork.

Continue reading below ↓

Yun lang kamay ang maygawa at hindi makina, parang lumalaki ang halaga ng tropeyo.

Naalala ko tuloy yung Gawad CCP Para sa Telebisyon noon na iba’t ibang artists ang gumagawa ng trophy kaya’t parang collector’s item ang bawa’t isa, at gusto mong manalo kada taon.

Tama rin naman na sana mapunta ang tropeyong ito sa karapat dapat manalo kasi sa maayos na takbo ng MMFF so far, ayaw naman nating magkakontobersiya pa sa awards, di ba?

JERRY OLEA: Ang sabi ng paborito kong manunulat na si Oscar Wilde, “Art is the only serious thing in the world. And the artist is the only person who is never serious.”

Hindi ko sineryoso ang mga pang-ookray sa MMFF 2016 trophy last year.

Na kesyo korte itong pamaypay, yema, payong, paputok, at kung anu-ano pa.

Sumagisag iyon sa pagbabago ng December filmfest — kung saan indie films ang pinaboran ng mga namumuno, nguni’t kulang sa sigla ang takilya.

Continue reading below ↓

Maliit na isyu ang naturang tropeo, kumpara sa pagmamaganda ng isang indie actress kay Mother Lily na haligi ng industriya.

Mas kontrobersiyal siyempre ang ganap sa mismong pelikula ng nagmagandang aktres, kung saan ipinakita ang pagkatay sa isang aso.

Hayup!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results