Mag-iinit at magniningning ang bituin ni Myrtle Sarrosa sa 2018!

Dec 17, 2017

JERRY OLEA: Pahayag ni Direk Maryo J. de los Reyes sa MMFF 2017 Xmas party for the press kahapon sa Quezon Memorial Circle, “Ilulunsad siya ng Regal next year! Sabi ni Roselle (Monteverde)!”

Matamis ang ngiti ni Myrtle nang sabihin iyon ni Direk Maryo habang katabi siya.

“Ang mga sexy star noon na sina Lorna Tolentino, Ana Capri, Jaclyn Jose, dramatic actresses na ngayon.

“Sawang-sawa na ako sa network stars na paulit-ulit na napanood. It’s about time na mag-build up tayo ng bago!”

May kuwento nang naisip si Direk Maryo para sa launching movie ni Myrtle.

“Very millennial ang istorya. Ang gusto ko, dalawa ring bago ang leading men niya,” sambit pa ng premyadong direktor.

“Isu-support sila ng malalaking artista, magagaling na artista.”

Gusto ni Direk na mala-Shame ni Claudia Zobel (RIP) o Disgrasyada ni Rio Locsin ang dating ng pelikula ni Myrtle.

Pasabog!

“Cum laude si Myrtle, ‘no?! Ano pa ba ang kailangang i-prove niya sa kanyang talino?!” bulalas ni Direk Maryo.

Continue reading below ↓

Sino ang bet ni Myrtle na leading man?

Tila nahihiyang tugon ng dalaga, “Ahh... si Paulo Avelino.”

Boom!

Pinalitan ni Myrtle si Kim Domingo bilang calendar girl ng isang brand ng inuming nakakalasing.

Malaki ang chance na maagaw ni Myrtle kay Kim ang taguri bilang bagong Pantasya ng Bayan!

GORGY RULA: Sexy naman si Myrtle, e. Sana mabalik ang mga sexy films na kung saan doon nakilala sina Lorna Tolentino, Rio Locsin, Jaclyn Jose. Ito lang kasi ang limitadong napapanood sa TV, e.

Pero bagay ba ang pangalang Myrtle sa isang sexy star? 'Di ba parang cartoon character?

Kung ilulunsad siya ng Regal bilang bagong Sex Goddess, sana bago na rin ang pangalan at promising hunk actor ang piliing leading man.

Puwede sina Marco Gumabao, Jameson Blake, Kiko Estrada o Ronnie Alonte.

Pero heto ang isang nasagap naming isyu. Totoo kayang may ilang kumontra sa pagpili kay Myrtle bilang bagong calendar girl ng inuming ito?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER : Napag-usapan namin yan ni Direk Maryo habang nag-MMFF Execom meeting kami kanina.

Gusto niya talaga si Myrtle sa isang palaban at daring na project na hulaan niyo kung sino ang napipintong leading man?

Walang iba kundi—si Orlando Sol, to be shot in Bohol!!! Laban kayo?

Read Next
Read More Stories About
Myrtle Sarrosa, MMFF
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results