Rachel Alejandro, tinawag na Rachel Lobangco ng singer na Da Who

Dec 17, 2017

JERRY OLEA: Bonggacious ang duet nina Rachel Alejandro at Celeste Legaspi (representatives ng Ang Larawan) sa 43rd MMFF Xmas Party for the Press kahapon sa QC Memorial Circle.


Masigabo ang palakpakan ng media people sa kanila.

Afterwards ay tinawag ang representative ng isa pang MMFF 2017 official entry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Da hu?

Nagpakilala ang baguhang singer. Kakanta sana siya, pero nagbago ang isip matapos mapanood ang pag-awit daw ni Rachel Lobangco.


Napasigaw ang press people! Marami ang natawa at napahagikgik.

Hiyang-hiya ang hitad, namumula ang mga pisngi at tila natutunaw.

Ang kanyang hanash, “Huwag n’yo na po akong i-quote! Hindi pa nagsisimula ang career ko, tapos na?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ha! Ha! Ha! Ha!

In fairness, natuwa kami sa kanya...

Kokak!

NOEL FERRER: In fairness to her, mabilis naman siyang nakabawi. Kaya lang wala pa masyadong sumisikat na kapangalan niya.

Merong anak ng novelty singer na si Yoyoy Villame ang apelyido, hindi sumikat. Meron ding anak ng sikat na composer-arranger na si Homer Flores na hindi man masyadong pumalo bilang singer e ngayo'y successful na distributor ng meat goods.

Ang hirap kung ang reference puro Da Who?

Da Who begets Da Who. At least mas may value sila bilang Da Who.

JERRY OLEA: Ang kanyang pangalan ay Hebrew baby name, na ang ibig sabihin ay “favor” or “grace.”

Pangalan iyon ng madir ng isang propeta.

GORGY RULA: Kaya tapusin na 'to dahil Da Who naman sila. Kahit nga banggitin pa ang name, at makilala itong baguhang singer, hindi pa rin siya pa magmarka sa atin.

Kaya babu na ang Da Who!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Rachel Alejandro
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results