Coco Martin, binulabog ang Cavite para mag-promote ng Ang Panday

Dec 21, 2017

JERRY OLEA: Binulabog ni Coco Martin ang city hall ng Bacoor, Cavite kaninang umaga nang mag-courtesy call siya kay Mayor Lani Mercado-Revilla.

Nagpa-picture ang Bagong Panday sa standee ng Dugo ng Panday.

Inakbayan pa ni Coco ang standee ni dating Senador Bong Revilla.

Ang gift ni Mayor Lani kay Coco eh stuffed toy ng Marching Band, na mascot ng Bacoor.

Pahayag ni Mayor Lani, “Lubusang natutuwa ang Lungsod ng Bacoor, lalo na po ang aming tanggapan, na tanggapin si Coco Martin.

“Parang anak na namin siya. Kasi, nagsimula si Coco sa Imus Productions, doon sa pelikulang Agimat ni Lolo.

“Support siya ni Jolo [Revilla]. So, natutuwa ako na andito siya.

“Sayang, andito sana si Vice Gov Jolo, kaya lang, he’s sick. Pero we welcome him.

“And sana, tangkilikin po natin ang pelikula ni Coco ngayong Pasko,” pag-endorso ni Mayor Lani sa Ang Panday.

Nakangiting reaksyon ni Coco sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Caviteño, “Napakalaki po ng utang na loob ko sa mga Revilla.

Continue reading below ↓

"Kasi, noong nagsisimula pa lang po akong mag-artista, sila po yung kauna-unahang nagtiwala sa akin.

“Dahil ako po yung ginawa nilang kontrabida that time ni Jolo.

“Iyon pong suportang ibinigay nila sa akin, ni Jolo, ni Tita Lani, hindi ko malilimutan ‘yon dahil ‘yon ang kauna-unahang pagsali ko sa Metro Manila filmfest.

“Narito ako ngayon para magpasalamat sa kanila.”

Gumanap si Bong na Panday sa movie. Anong masasabi ni Lani sa pagiging Bagong Panday ni Coco?

“Kinikilabutan po ako!” bulalas ni Lani.

Napatawa si Coco.

Pagpapatuloy ni Lani, “Nakikita po natin talaga ang talento ni Coco. Hindi lang po siya isang artista, nagulat po ako.

“Para na siyang si Ramon Revilla Sr.—producer, writer, director.

“So, lahat po, nasa kanya na. Artista pa. I wish him luck.

“Alam kong titiba itong pelikulang ito katulad ng lahat ng Panday movies na laging tinatangkilik ng mga kabataan, lalo na.

“Salamat at ibinalik ulit ang Panday.

Continue reading below ↓

“I’m sure, natutuwa rin po si Senator Bong na nakadalaw siya rito. Nagpa-picture nga siya kasama ang standee.

“We wish you luck, Coco. I hope malakas ang pelikula mo sa Metro Manila Film Fest!”

NOEL FERRER: From Fernando Poe Jr. to Bong Revilla to Coco Martin. May Jericho Rosales din at Richard Gutierrez din pala on TV.

Continue reading below ↓

Malayo na ang inabot ng Panday.

Sa sipag naman ni Coco, I hope that he be rewarded at maging topgrosser nga ito sa box-office.

Coco and “Ang Panday” deserve it!

GORGY RULA: Alas-kuwatro ng umaga na raw na-pack up si Coco sa taping ng Ang Probinsyano.

Umuwi lang daw sya para maligo, tapos umalis agad pa-Cavite para mag motorcade doon sa Bacoor, Imus, at Dasmariñas.

Tutuloy pa siya ng Batangas pagkatapos dun sa Cavite.

Hindi na raw muna nya iniisip ang magpahinga dahil gusto niya talagang maikot ang buong Luzon para ma-promote ang Ang Panday.

Sabi ni Coco, "Kapag gusto mo ang ginagawa mo, kahit anong hirap at pagod, nag-e-enjoy ka.

"Sabi ko nga po siguro, every time na ganito, itong Panday talaga, sabi ko, bilang pasasalamat ko sa mga tao ng success ng FPJ Ang Probinsyano, and then ito na yung pinaka-bonus ko at regalo sa kanila bilang pasasalamat eh."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Coco, pinag-uusapan na nila ng dating Sen. Lito Lapid na dalawin nila si Sen. Bong sa Camp Crame.

Na touch naman ang dating Sen. Bong sa ginawa ni Coco.

JERRY OLEA: Magpapahinga ba si Coco sa Christmas day mismo, o may theater tour pa?

Sagot ni Coco, “Siguro, sa 25 po, baka mag-iikot kami sa lahat ng mga sinehan. Dire-diretso pa rin po.

“Sa 24, siyempre po, para sa family ko ‘yon.

"Then, after that, 25, manonood ako kasama ang family ko, at mag-iikut-ikot din, syempre po."

Read Next
Read More Stories About
Coco Martin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results