Float ng Deadma Walking, nangabog sa MMFF 2017 Parade of Stars

Dec 24, 2017

JERRY OLEA: Umaambon kahapon, December 23, ng bandang 1:00 PM sa Muntinlupa Sports Center subali't sandamukal pa rin ang fans na nag-aabang sa MMFF 2017 Parade of Stars.

Nang humulaw ang ambon ay pinasimulan na ang opening program, kung saan winelcome ni Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi ang mga artista at moviegoers.

First time na ginanap sa Muntinlupa ang Parada ng mga Bituin, at next year ay malamang na ganapin naman ito sa Parañaque, Marikina o Navotas.

Sosyal ang ABS-CBN Star Cinema na may sariling hukbo ng marshalls, huh?!

Sa mga float, pinakagusto namin ang karosa ng Deadma Walking na dragonesa ang peg.


Continue reading below ↓

Eksenadora rin ang floats ng Ang Larawan, Ang Panday, Gandarrapido, at Meant To Beh.


NOEL FERRER: Looking at the newspapers today, mukha ngang ang float ng Deadma Walking ang nakapukaw ng atensyon ng mga tao at na nasa front page ng diyaryo na ang title ay "It Rained But Not On Stars" Parade.”

Continue reading below ↓

Hindi na kinailangan nina Joross at EA na mag-mujer dahil buhay na buhay ang Crying Divas doon. Sa Awards Night na lang daw nila iipitin si Junjun para sa kanilang production number.



Speaking of the Awards Night, heto ang pinaghahandaang production numbers ng bawa’t production:


1. HAUNTED FOREST - Dance number by Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal and Jon Lucas

Continue reading below ↓

2. ALL OF YOU - Theme song by Nar Cabico "Natapos Tayo"

3. SIARGAO - Jericho Rosales and Hale sa theme song nilang “Alon"

4. THE REVENGERS SQUAD - Song number by Wacky Kiray, MC and Lassy

5. ANG LARAWAN - Song number by Rachel Alejandro, Joanna Ampil, and Celeste Legaspi “Kaysarap ng Buhay Nung Araw”

6. MEANT TO BEH - Baste “Bastelicious” with back-up dancers

7. ANG PANDAY - Awra Dance Number

8. DEADMA WALKING - Crying Divas number with EA Guzman & Joross Gamboa

Exciting kasi parang after the Parade of Stars, ang Gabi ng Parangal ang second wave bale ng complete promo ng lahat ng mga MMFF 2017 Official Entries.

GORGY RULA: Taus-puso namang nagpapasalamat si Mayor Fresnedi sa MMFF Execom at MMDA dahil sa ipinagkatiwala sa kanila ang pag-host ng MMFF 2017.

Tamang-tama raw ito sa pagdiriwang ng kanilang centennial anniversary.

Doon ko lang nakilala si Mayor Fresnedi na napakasimple lang at napaka down to earth.

Continue reading below ↓


Okay lang sa kanya na habang nagsasalita siya sa programa, karamihan ng mga tao ay nagkakagulo kay Coco Martin na nasa float na, at nag-iingay na ang ibang barker ng mga magpaparadang float.

Hindi pa nga tapos ang programa, umalis na ang float ng Ang Panday at nagsunuran naman ang iba.

Continue reading below ↓

Pero okay lang kay Mayor Fresnedi.

Narinig ko pa doong pinag-uusapan ng ilang staff ng MMDA at MMFF na gusto raw sanang umakyat sa bus ng Ang Panday ang asawa ni Mayor Fresnedi para magpa-picture ang anak nila, pero hinarang daw ng mahigpit na security, kaya hindi tuloy nakapagpalitrato ang pobreng bata na idol na idol pala si Coco.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results