MMFF 2017 simula na ngayong Pasko; Ang Panday hinuhulaang mangunguna sa takilya

Dec 25, 2017

JERRY OLEA: Makabuluhang Pasko!

9:00 A.M. pa lang ay bukas na ang mga sinehan ng SM Malls. Magkakaalaman kung alin sa walong MMFF 2017 entries ang meant to be na pumanday sa takilya!

Alin ba ang gandarapido sa panlasa ng moviegoers?

Alin ang mas papatok—ang Siargao na bida si Erich Gonzales o ang Meant To Beh na suporta si Daniel Matsunaga?


Continue reading below ↓


Siguradong kikita ang Haunted Forest ng Regal Films. Maliit ang production budget ng horror movie na ito, at malaki ang chance na ito ang mag-No. 3 sa takilya.

Huwag ninyong isnabin ang ‘coma’ (comedy-drama) na Deadma Walking, kung saan ‘ipitologist’ sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Continue reading below ↓

Katarungan para sa mga itlog!


NOEL FERRER: Aariba na ang mga entries ngayong Araw ng Pasko.

Kahapon, December 24, nang dumating ang mga floats sa QC Circle, maraming nagpa-selfie sa iba’t ibang floats, pero may namumukod-tanging float ang luoy na!


Continue reading below ↓


Habang ang iba’y ginawang matibay come hell or high water, itong float na ito ay parang naanod agad ng tubig. Sana hindi ganito ang sapitin nito sa box office!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bawal lang maglabas ng official figures kung magkano ang kita sa unang araw ng showing.

Pero marami na ang humuhula, kahit ilang staff ng ibang MMFF entries, na ang Ang Panday ni Coco Martin ang mangunguna sa takilya.

Sabi naman ni Coco nang nakausap namin sa motorcade nya sa Bacoor, "Hindi naman po yung number one ang iniisip ko. Gusto ko sana maging maligaya sila.

"Sabi ko nga, ibinuhos ko na lahat dito. Itodo ko na. Ayokong tipirin.

"Kasi, sabi ko nga, gusto ko lumabas ang mga tao sa sinehan, yung sulit ang panonood nila. Dahil hindi naman po lahat ng tao sa buong Pilipinas ay laging nakakapanood ng sine.

"Gusto ko lumabas ng sinehan ang buong pamilya na masaya sila."


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results