Jinggoy Estrada-Eugene Domingo movie, inspired sa love story ni Sen. De Lima?

Dec 26, 2017

JERRY OLEA: Excited kami sa konsepto ng pelikulang gagawin ni former Senator Jinggoy Estrada.

May sangkap ito ng action at comedy, at may mga nag-suggest na para sa title nito, one of which is My Bodyguard.

Hindi pa masimulan ang movie dahil hinihintay pa ang availability ng leading lady niya rito, si Eugene Domingo.

Nakangiting sambit ni Sen. Jinggoy, “Si Uge lang ang pwedeng gumanap ng role na ‘yon, wala nang iba pa! Perfect siya sa role, lalo pa’t magaling siyang mag-English!”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ang gusto sana talaga ni Sen. Jinggoy na title sa project na ito ay Basta Driver Sweet Lover. Pero meron nang ganung pelikula, kaya nag-iisip siya ng magandang sub-title.

Obvious namang inspired ang kuwento ng pelikula sa pinag-uusapang love affair nina Sen. Leila de Lima at ng dating driver nitong si Ronnie Dayan.

Kaya si Uge lang daw talaga ang nababagay sa role na mala-de Lima ang dating.

Kung hindi magagawa 'yan ng Kapuso actress/TV host, malamang na hindi rin matutuloy ang project na 'yan.

NOEL FERRER: Ayaw ba nila si Kim Idol na isama sa pelikula? Puwede naman siyang gumanap din bilang partner ni Senator Jinggoy kung wala si Uge.

Ang maganda lang kay Uge ay meron na silang pinagsamahan nj Senator Jinggoy.

Kasi, di ba, tumulong si Senator Jinggoy sa pelikula ni Uge noon na Kimmy Dora?

Kaya naman anumang suporta ang hingin ni Senator Jinggoy kay Uge ay siguradong pagbibigyan niya ito.

Continue reading below ↓

Masaya ito kung sakaling matuloy!!!

Read Next
Read More Stories About
Jinggoy Estrada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results