Edgar Allan at Joross, llamado bilang Best Actor sa MMFF 2017 Gabi ng Parangal

Dec 27, 2017

JERRY OLEA: Best actor sa MMFF last year si Paolo Ballesteros sa pagganap bilang gandarang bading sa Die Beautiful.

Sa 43rd MMFF Gabi ng Parangal mamaya, December 27, sa Kia Theater (Araneta Center, Cubao, QC), llamadong mag-best actor sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa na gumanap bilang magkaibigang bading sa Deadma Walking.


Continue reading below ↓

Wagi sa takilya ang Gandarrapido, pero pakiwari namin ay deadma awarding ang bida rito na si Vice Ganda.

Palaban din sa best actor si Derek Ramsay sa labas-litid acting niya sa All of You.

Hindi si Derek ang orig na leading man dito ni Jennylyn Mercado, kundi si Jericho Rosales (bidang lalaki sa Siargao).

Nag-best actor na sa MMFF sina Derek (English Only, Please noong 2014) at Jericho (Walang Forever noong 2015).

Ewan kung may chance na mag-best actor si Coco Martin para sa Ang Panday.

Take note na nag-best actor si Bong Revilla sa MMFF para sa 2009 version ng Ang Panday (na wagi rin bilang best picture).

Sa best actress, bet namin si Joanna Ampil na kung ilarawan ng co-star na si Rachel Alejandro sa Ang Larawan eh “nakakakilabot”!

Coming from the daughter of the original Kilabot ng mga Kolehiyala, that must be something!
Ito ang first time na magbida sa pelikula si Joanna.

Continue reading below ↓

Ang mahigpit na kaagaw ni Joanna sa tropeo ay si Jennylyn Mercado (All Of You), na dalawang beses nang nag-best actress sa MMFF (English Only, Please noong 2014, at Walang Forever noong 2015).

Para sa best supporting actress, inaasam namin na manalo si Dimples Romana na sakdal-husay sa Deadma Walking.

Ang matinding kalaban niya ay si Jasmine Curtis-Smith na ramdam namin ang hugot at silakbo ng damdamin sa Siargao.

Dark horse si Celeste Legaspi para sa Ang Larawan.

Para sa best picture, noon pa kami maka-Larawan, kaya natuwa kami na graded A ito ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Keribels mag-picture ang Graded A din na Deadma Walking, at pwedeng makasulot ang All Of You o Siargao.

Malay natin, meant to be best picture pala ang Meant To Beh.

Ligwak sa karera ng best picture ang Gandarrapido.

Ang hanash dito ng Kneejerk Critic na si Ricardo Espino Lopez, “May pera nga sa basura!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: As in ang awards, it can go anywhere. Kanya-kanya talaga ang taste ang mga hurado.

As for the jurors, they come from varied backgrounds. At malamang matinding deliberations ang magaganap ngayon.

Abangan na lang natin ang lalabas na resulta mamayang gabi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results