MMFF 2017: Derek, Joanna, EA, at Jasmine nagwagi; Deadma Walking, dinedma ng mga hurado?

Dec 28, 2017

JERRY OLEA: Contra mundum!

Best actress si Joanna Ampil sa 43rd Metro Manila Film Festival para sa Ang Larawan (na siyang best picture at nagkamit ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.)

“This is so surreal!” gumagaralgal na bulalas ni Joanna.

“A couple of days ago, I was asking my parents, ‘What do you want for Christmas?’

“And my dad said, ‘Just bring home the trophy!’

“I got it!”

Pinasalamatan ni Joanna ang mga tao sa likod ng tagumpay niya sa kanyang unang pagbibida sa pelikula.

Aniya, “Because I can now proudly say... because I’ve been working abroad so much, I can proudly say that, finally, I’m contributing something important to the arts in the Philippines.”

Merry Christmas everyone! Waking up to such wonderful news about ‘Ang Larawan’ was more than a Christmas gift. Please let’s spread the word more and keep ‘Ang Larawan’ in cinemas. Thank you to everyone who watched and supported our movie. It is a masterpiece, a classic, created by geniuses, our national artists. I am so ecstatic that we are finally presenting this to the world. Including the book and its soundtrack. Something that will enrich us, educate us in so many ways not just culturally but artistically too. I am currently in Dubai (which is my layover) waiting for the next flight home. I got stranded here due to delays caused by bad weather. I was supposed to have arrived on the evening of the 25th just in time for Christmas night and also to see the movie on the 26th (second day screening). But yesterday upon our arrival in Dubai, we’ve been told that the next available flight will get us to Manila on the morning of the 27th. Despite Emirates airlines’ efforts to make our stay as comfortable as possible, I felt helpless and could do nothing but resign to the fact that this is beyond my control and all I can do now is wait. I can’t help but think that there is this force that’s stopping me to get there and enjoy our labour of love, my first movie ever and a very important one at that. I had missed 3 premieres and it breaks my heart to have missed the day of the float (which would’ve been an amazing experience), couldn’t help with any of the promos due to prior engagements, missed Xmas in Manila altogether with my family. The one thing I wanted to see especially was my parents reaction whilst experiencing the movie on a big screen. My mother messaged me telling me her chest was about to explode whilst watching the movie. She cried all the way and she couldn’t help it. Those were the moments I didn’t want to miss. Today, I am flying out of Dubai. I am eager to watch Ang Larawan and to thank you all for the messages of encouragement that got me through the last few days. I am excited beyond belief to get there and experience the buzz that ‘Ang Larawan’ has created, to witness what it’s like to be part of such an important festival. See you soon, Manila!

A post shared by Joanna Ampil (@joampil) on

Kinabog ni Joanna sa kategoryang best actress sina Jennylyn Mercado (All Of You), Dawn Zulueta (Meant To Beh), at Erich Gonzales (Siargao).

Sa pangalawang pagkakataon ay itinanghal na best actor si Derek Ramsay sa MMFF para sa All Of You.

Continue reading below ↓

Nauna siyang nag-best actor sa MMFF 2014 para sa English Only, Please.

Tinalo ni Derek sina Jericho Rosales (Siargao), Joross Gamboa (Deadma Walking), at Coco Martin (Ang Panday).

Take note na ang orig leading man ni Jennylyn Mercado sa All Of You ay si Jericho.

Nagsisi kaya si Jericho sa pag-ayaw sa nasabing papel?

Kabilang sa sandamukal na pinasalamatan ni Derek ang kanyang GF na si Joanna Villablanca, na kasama niya noong gabing iyon.

“Thank you for being very supportive. Thank you also for not being jealous when I do those scenes.

“It makes the job a lot easier.”

Siyempre, grateful din si Derek sa leading lady niyang si Jennylyn, “She makes me feel so comfortable.

“She brings out the best in me when we do our scenes.”

Pagtatapos ni Derek, “And I’d like to dedicate this to my boy... stand up, son! Buddy, this is for you!”

Kasama ni Derek na um-attend ng awards night ang anak niyang si Austin.

Continue reading below ↓

Here at the mmff awards night. Hope you guys enjoy the movie. #allofyou

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Ang best supporting actress ay si Jasmine Curtis Smith para sa Siargao.

Kinabog ni Jasmine sina Rachel Alejandro (Ang Larawan), Andrea Torres (Meant To Beh), Dimples Romana (Deadma Walking), at Menchu Lauchengco (Ang Larawan).

Ang ate ni Jasmine na si Anne Curtis ay MMFF 2008 best actress para sa Baler, kung saan si Jericho Rosales din ang katambal nito.

Ang best supporting actor ay si Edgar Allan Guzman para sa Deadma Walking.

Tinalo niya sina Robert Arevalo (Ang Larawan), Jake Cuenca (Ang Panday), Nonie Buencamino (Ang Larawan), at Sandino Martin (Ang Larawan).

Ang MMFF best supporting actor last year ay si Christian Bables, na ang papel ay bading na best friend sa Die Beautiful.

Ang best picture na Ang Larawan ay panalo rin sa karera ng best actress (Joanna Ampil), Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, best production design, at best musical score.

Ibinabalik sa mga sinehan itong Ang Larawan!

Continue reading below ↓

Second best picture ang Siargao, na nagwagi rin sa mga kategoryang best supporting actress (Jasmine Curtis-Smith), best director (Paul Soriano), best cinematography, best editing, best original theme song, at best sound.

Third best picture ang All Of You, na pinarangalan din sa mga kategoryang best actor (Derek Ramsay) at best screenplay.

Pinagkalooban ng Special Jury Prize sina Nick Joaquin (posthumous) at Coco Martin (na wala sa gabi ng parangal dahil hindi kaya ng katawan niya).

Natamo ng Ang Panday ang FPJ Memorial Award for Excellence, Children’s Choice, at best visual effects.

Best child performer si Baste para sa Meant To Beh.

Ang People’s Choice Award ay nasungkit ng Gandarrapido.

Maliban sa best supporting actor (Edgar Allan Guzman) ay wagi ang Deadma Walking bilang best float.

Bukod-tanging ang Haunted Forest ang walang award.

GORGY RULA: Congratulations sa lahat na nagwagi. Agree ang karamihan sa lahat na napiling winners.

Kaya lang, bakit tila dinedma ng mga hurado ang Deadma Walking na nalaglag sa tatlong Best Picture?

Continue reading below ↓

Pati nga si Edgar Allan Guzman ay mas karapat-dapat na ihanay sa Best Actor category. Tingin ko nga, may laban pa siya sa ibang award-giving bodies.

Sana makabawi na this time ang Ang Larawan at unti-unti na silang ibalik sa mga sinehan.

At ang nanalong People's Choice award na Gandarrapido, ibig sabihin ba ito na nga ang topgrosser sa walong pelikulang kalahok?

NOEL FERRER: Nasabi ko nga dati na sa mga awards, it can go any which way.

Medyo expected naman ang mga awardees at medyo nagulat lang ang mga tao sa hakot ng Siargao.

Pero congratulations sa lahat ng mga nagsipagwagi!

Ang tanong lang ng jury at ng mga tao na rin, nasaan si Coco Martin?

Na-confirm kasi ng produksiyon ang participation ni Tita Susan Roces noong una para ibigay ang FPJ Award sa Ang Panday, tapos nag-beg off na lang nang malamang hindi na darating si Coco.

Sabi ng jury, sana narinig ni Coco ang magandang naging citation sa kanya.

Continue reading below ↓

Oh well, sayang, pero congratulations pa rin! Grabe ang effort ni Coco sa MMFF ngayong taon talaga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results