Vic, Vice, at Paulo inisnab ng mga hurado sa Best Actor race ng MMFF 2017

Dec 28, 2017

JERRY OLEA: Sa walong entries ng MMFF 2017, dalawa ang Graded A ng Cinema Evaluation Board — Ang Larawan at Deadma Walking.

Best Picture ang Ang Larawan, na wagi rin ng Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Second Best Picture ang Graded B na Siargao, na nasungkit ang best director (Paul Soriano).

Third Best Picture ang Graded B rin na All Of You, na nakuha ang best screenplay.

Ang Graded A na Deadma Walking, pati ang Ang Panday, ay kasama sa limang nominadong best picture.

Ligwak ganern sa nasabing kategorya ang Gandarrapido, Meant To Beh, at Haunted Forest.

Tinalo ni Derek Ramsay (All Of You) sa best actor category sina Coco Martin (Ang Panday), Jericho Rosales (Siargao), at Joross Gamboa (Deadma Walking).

Dinedma ng mga hurado sa kategoryang ito sina Vic Sotto (Meant To Beh) at Vice Ganda (Gandarrapido).

Si Paulo Avelino (Ang Larawan), inisnab din ng mga hurado.


Continue reading below ↓

Tatlo mula sa Team Larawan ang nominadong best supporting actor—sina Robert Arevalo, Nonie Buencamino, at Sandino Martin.

Taob sila kay Edgar Allan Guzman, na theater actor ang karakter sa Deadma Walking.

Nganga rin sa kategoryang ito si Jake Cuenca (Ang Panday).

Ang best picture na Ang Larawan ay hindi nominado sa mga kategoryang best screenplay at best original song.

Tatlong screenplay lang ang nominado—All Of You (winner), Siargao, at Deadma Walking.

Ang tatlo ring iyan ang nominado sa best original song, kung saan nanalo ang "Alon" (by Hale) ng Siargao.

Isa lang ang kalaban ng Ang Panday sa kategoryang best visual effects... ang Haunted Forest (na bukod-tanging walang award sa MMFF).

Tuwang-tuwa si Direk Joyce Bernal nang tanggapin ang People’s Choice Award para sa Gandarrapido.

Sabi ng box-office director, “Maraming salamat kung sino man ang nakaisip nito!

“Bakit po? Bakit po kami nanalo? Tanong lang...

“Ahh... maraming salamat po sa Star Cinema. Maraming salamat kay Ate Lea. Maraming salamat sa Creative namin.

Continue reading below ↓

“Guys, nanalo tayo! Baka kailangang...

“Para po ito sa lahat ng sumali sa Metro Manila Film Festival! Maraming salamat po!

“Sana, sumali pa rin tayo kahit hindi pa tayo ma-nominate, at saka hindi man lang tayo manalo.

“Sumali pa rin tayo dahil para sa pelikulang Pilipino ito!“Maraming salamat!”

NOEL FERRER: Sobra ang nangyaring deliberations ng jury. Lahat sila may magagandang opinyon at peacefully naman na resolve lahat.

Speaking of Best Screenplay, talaga namang nakapagtataka kung bakit hindi na-nominate ang Larawan gayong National Artists na Nick Joaquin at Rolando Tinio ang involved dito.

Ang punto, nakabase sa theater/musical ang script ng pelikula kaya iba ang pamantayan sa pelikula at sa stage.

Pero the jury took it upon themselves na bigyang parangal ang pinagmulan ng kuwento ng Larawan na si Nick Joaquin.

Maganda rin ang diskusyon kung lead or supporting nga ba ang role ni Edgar Allan Guzman sa Deadma Walking.

Ang nagwaging argumento siguro doon ay ang paghahalintulad ng role ni Christian Bables noon sa Die Beautiful, kaya napapayag na ang mga hurado na ibigay kay EA ang parangal na yun. At least hindi na sila naglaban ni Joross sa iisang award.

Continue reading below ↓

Marahil iba ang pamantayan ng ibang award-giving bodies, pero at least, walang mala-ORO na kontrobersiya ngayon ang maayos na conduct ng awards night.

Mahusay ring nag-facilitate ang diligent na Chairman ng Jury na si Congressman Karlo Nograles, na siya lang ang nakakaalam ng resulta kaya walang leak at super confidential lahat ng resulta.

Aminin, pati kami sa EXECOM, hindi alam ang mga magwawagi. At walang diyaryo ang naka-scoop ng mga winners ngayon.

Maaaring may ibang reaksyon na matter of different tastes ng mga tao, pero walang bulong, leak, at kung anumang aberya sa naganap na Gabi Ng Parangal.

Read Next
Read More Stories About
Best Actor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results