Most Gender-Sensitive Film award, tsinugi na ng MMFF

Dec 28, 2017

JERRY OLEA: Waley na talaga ang Most Gender-Sensitive Film award na pinasimulan noong 2003.

Ang huling recipient nito ay ang MMFF 2013 entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Dalawang production number ang pang-LGBT—si Awra para sa Ang Panday, at ang tatlong hitad na suporta sa Gandarrapido.

Bading na bading din ang theme song ng All Of You na inawit ni Nar Cabico, kaya siguro hindi na nag-mujer sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa production number ng Deadma Walking.

Mag-isa na lang na kumanta si Edgar Allan, pero pinuntahan niya si Joross sa kinauupuan nito at isinama sa entablado.

Sina Aiza Seguerra at Arnell Ignacio ang presenters para sa huling dalawang award na best actor at best actress.

Sambit ni Arnell, “Aiza, am-perfect nating dalawa!”

Mabilis na sambot ni Aiza, “I know, right! We’re such a lovely pair!”

GORGY RULA: Kung kailan nagkasunud-sunod ang mga pelikulang kabadingan, saka naman tsinugi ang Gender-Sensitivity Award.

Continue reading below ↓

Pero okay na rin yung ipinalit na Children's Choice. Pambata naman talaga ang Pasko at karamihan sa mga pelikulang ipinapalabas sa MMFF.

Sana meron na rin para sa Environment na dati namang tema at ibinibigay sa mga nakaraang MMFF.

JERRY OLEA: Siyangapala, palabas ang MMFF 2017 Gabi ng Parangal ngayong 4:15 PM sa TV5.
Napanganga kami sa opening number ng mga The Who, na dinedma walking ng audience.

Most-applauded production number ang duet nina Joanna Ampil at Rachel Alejandro.

Sa mga magtatanong kung The Who sina Joanna at Rachel... mga tampalasan kayo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results