Alden Richards, nagkomento tungkol kina Maine Mendoza at Kris Aquino

Dec 28, 2017

GORGY RULA: Nakarating na raw kay Alden Richards ang tungkol sa sinabi ni Kris Aquino na isa ang Pambansang Bae sa mga forever crush ng TV host-actress.

Sinabi ito ni Kris sa interview sa kanya sa kanyang social media account.

Ayon kay Kris, wala pa ang AlDub ay napansin na niya si Alden. Nakikita raw niya si Alden sa billboard ng GMA-7 kapag nadadaanan niya papuntang ABS-CBN.

Naguguwapuhan siya kay Alden at mukhang lagi raw mabango.

Hiningan namin ng reaksyon si Alden sa kanyang pa-Christmas lunch para sa mga kaibigang entertrainment press na ginanap sa kanyang Concha’s Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, kanina, December 28.

Nangiting pahayag ni Alden, “Nakita ko nga po. Nagulat po ako.

“Nag-text po ako sa kanya, nag-thank you po ako sa kind words niya sa akin.

“Nag-reply po siya. Sabi po ni Ms. Kris, super fan nga raw po siya.”



Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ang pahayag naman ni Alden tungkol kay Maine, “Nag-usap po kami bago siya umalis, and I’m very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad.

“And the same thing na nangyari din po sa akin, I got to spend time with my family.

“Na parang we really both deserve those breaks apart from everything now.

“So, hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya!”

Tampok si Alden sa New Year Countdown ng GMA Network. Ika-pitong taon na niya ito ng pagsabulong sa bagong taon kapiling ang mga Kapuso.

Kasama siya sa live episode ng Eat Bulaga! sa Enero 1.

Kinabukasan, January 2, ang 26th birthday niya.

Lahad pa ni Alden, “January 6, may konting celebration sa fans ko po sa Enchanted Kingdom.

“One Fun Day With Alden ang theme. Para naman po sa fans, to give some thanks to them.”

Sa Enero 20 ay may show siya sa Sydney, Australia.

Continue reading below ↓

Tutungo rin siya sa New Jersey (USA) at Toronto (Canada) para sa GMA Pinoy TV.

Maganda ang pasok ng 2018 sa Pambansang Bae.

Aniya pa, “When it comes to projects, ‘yun po, magpapa-presscon po kami kung meron nang update.

“Pero so far po, everything is still in the planning process.

“Ahh... Even the movie, wala pa po kaming final word. We’ll just wait for it.”

NOEL FERRER: Welcome back, Alden, and here’s looking forward to a productive 2018 with or without Maine.

Continue reading below ↓

It’s about time na mag-shine ulit si Alden on his own merits.

Happy New Year!!!

Read Next
Read More Stories About
Alden Richards
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results