First three days ng MMFF 2017, nalampasan na ang total gross ng MMFF 2016

Dec 28, 2017

NOEL FERRER: This just in: BREAKING NEWS

On the 3RD day of MMFF 2017,  we have surpassed the TOTAL GROSS of the ENTIRE RUN of MMFF 2016.

True to their word, theater operators have given more screens to the awarded films.

Ituloy natin ang panonood ng pelikulang Pilipino!

MMFF 2017 - Magkaisang Mapaunlad ang Filipino Films.

GORGY RULA: Malamang sa dalawang pelikula lang na Gandarrapido at Ang Panday, lagpas lagpas na sa kinita ng nakaraang MMFF. Kaya naman lalo pa silang nadadagdagan ng sinehan.

Pero kung ibabalik ang mga sinehang nawala sa Ang Larawan at ilan pang mahihinang entry, maaapektuhan ba ang milyun-milyon pang kikitain ng MMFF?

Iasa na lang ba natin sa dalawang malalakas na pelikula?


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Salamat sa Gandarrapido at Ang Panday, masigla ang 43rd MMFF!

Kung wala ang movies nina Vice Ganda at Coco Martin, hindi aariba agad-agad ang total gross ng entries.

Tiba-tiba ang Star Cinema (film arm ng ABS-CBN) at Viva Films na parehong sangkot sa Top 2 ng MMFF 2017.

Ang GMA Films, kailan kaya mabubuhay muli?

Excited na kami sa mga susunod na handog ng Star Cinema, ang No. 1 film production ng bansa!

NOEL FERRER: Na-tag lang ako ng isang dating kasamahang indie producer noong MMFF 2016 na maaaring may valid na punto na gusto kong pulsuhan niyo mga kapatid.

From Ida Tiongson: "May I repeat what Ive mentioned before, If u have fed your
child Lechon nearly all her life then go to a Fiesta serving variety... whats the probability she would eat Lechon first? Will the other viands still be there when she is ready to taste these? If you dont serve other viands- she wouldnt know better and will not acquire other tastes

Continue reading below ↓

"Nothing against 'Lechon' but for the sake of Filipino public the variety and options should remain .. and REGULATORS to please regulate.... otherwise just change the Title (not Festival) but to 'Filipino Film Showing' and show only 4 films as this seems to be the intent.

"I believe when Imelda Marcos created MMFF the intent was a real festival (not money making otherwise foreign films would have been maintained then were the ones considered money makers)"

JERRY OLEA: Marami nang ibang ‘fiesta’ na naghahanda ng iba-ibang putahe.

Andiyan ang Cinemalaya, Cinema 1 Originals, QCinema, at kung anu-ano pa.

Bakit hina-harass pa ng mga nagdudunung-dunungan ang ‘Lechon Festival’ kung Disyembre?

GORGY RULA: Kahit ano pang sabihin ng iba, wala tayong magagawa dahil nakikita naman kung ano ang gusto ng mga tao.

Darating ang araw, magsasawa rin sila at lalangawin na rin itong klase ng mga pelikulang pinagkakaguluhan nila ngayon.

Pag may dumating na bago, papalitan na 'yang mga namamayagpag sa ngayon.

Continue reading below ↓

Ibigay na natin ang gusto ng mas nakakarami hanggang sa maumay na sila.

Kung panahon noon ng mga FPJ at Dolphy movies, Vice Ganda naman ngayon.

Darating ang araw iba na naman ang pagkakaguluhan. Ibang putaheng ihahain at pagpipiyestahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results