Lolit Solis, masaya sa paglaya ni Mark Anthony pero malungkot para kay Bong

Dec 29, 2017

JERRY OLEA: Natuwa si Manay Lolit Solis sa paglaya ng inaanak niyang si Mark Anthony Fernandez bago mag-Pasko.

“Oo, buti naman,” sambit ni Manay Lolit nang makausap namin sa thanksgiving party ni Alden Richards sa Concha’s Garden Cafe, QC, kahapon, December 28

“I hope, kasi, di ba, usually pag nakukulong ka, nagkakaroon ka ng mga ganoong insidente sa buhay mo? It’s either it will break you o lalo kang magsalbahe, di ba?

“Sana, ang mangyari kay Mark, natuto siya.”

Kailangan bang sumailalim si Mark sa psychiatric help upang maging maayos ang lagay nito?

“Ano naman, e... Kasi, may mga nakita naman ako na nag-adik, na on their own, gumaling, di ba?

“Si ano, si Tonton [Gutierrez], di naman nag-rehab si Tonton. Si Boyet [de Leon], di nag-rehab.

“Pero on their own, di ba? Gumaling sila.

“Si Boyet noon, pag kausap ko nga, tumutulu-tulo na ang laway sa kabangagan.

“Look at him. Naging ano pa siya ng Oasis of Love.

Continue reading below ↓

“Parang si Tonton, nang tinanong ko, parang... he just woke up daw one morning and nagdesisyon siya, ayaw na niya ng ganoon.

“Siya mismo ang bahala sa sarili niya.”

Ano ang kanyang wish para sa bagong taon?

“Makalabas si Bong Revilla,” mabilis na sagot ni Manay Lolit.

“Kawawa naman...”

Kailan kaya siya lalaya?

“Sana, sana, sana soon,” matamang sambit ni Manay Lolit.

“Kaya alam mo, pag ano, pag gusto nilang kinukunan ka ng ano, di ba? Yung video-video... yung iwi-wish mo o greetings... AYOKO!

“Sabi ko, lagi na lang, ‘Happy birthday,’ alam mo namang hindi happy! Nakakulong! Di ba?

“O Merry Christmas? Merry ba ‘yon, e, nakakulong?! AYOKO! Hindi ako nagpapakuha.”


Continue reading below ↓

At least, napagbigyan ang furlough ni Bong noong bisperas ng Pasko. Ilang oras na nakapiling ni Bong ang pamilya sa labas ng Crame.

“Mas lalong masakit ‘yon!” maigting na bulalas ni Manay Lolit.

“Biro mo, sana man lang, 9 A.M. ng December 24 hanggang 9 A.M. the following day.

“Eh 9 AM.. hanggang 11 P.M. Kailangan, nakabalik na sa Crame by 11 P.M. Hindi rin siya nag-Pasko sa labas.

“Parang binigyan ka ng kendi... ‘O, tikman mo!’ Tapos, kinuha uli.”

Mabuti na iyon kesa hindi, di ba?

“Parang nagkaroon ka ng konting hope,” nakahalukipkip na pakli ni Manay Lolit.

“Kasi nga... tapos, sa New Year pa rin. Kasi, di bale nung ano... di naman sa gusto kong andun si Jinggoy [Estrada].

“Pero di bale nung silang dalawa. Ngayon, iisipin mo, ‘Ako na lang. Bakit ako?’ Di ba?”

Dumalaw si Jinggoy kay Bong noong Pasko.

“Tuwing nakikita kong andun si Jinggoy, naiiyak ako, e,” sambit ni Manay Lolit.

Continue reading below ↓

“Kasi, nakita kong nabuo talaga ang friendship nila.

“Siguro, everything has a reason. Baka lahat ng pangyayari, may ano.”

NOEL FERRER: Katulad ng kanyang mga alaga, malaki na rin ang ipinagbago ni Nanay Lolit Solis.

Sabi nga niya, mahirap man at susubukan daw niyang magpaka-sweet. (Sweet naman siya sa atin.)

Hindi man siya nagpa-rehab at hindi rin natuluyang makulong (courtesy of Mayor Alfredo Lim), at least relevant pa rin siya ngayon at pinag-uusapan, pati na ang kanyang mga alaga na may pinagdadaanan man ay laging makakabangon muli.

Ito ba ang resulta ng pananalo niya ng Grand Prize sa pa-Christmas party ni Alden? Hahaha!

GORGY RULA: Sa totoo lang, itong pagkadetine ni dating Senator Bong Revilla ng halos apat na taon na, dito siya nakilala ni Nay Lolit kung gaano ito katatag.

Lalo na ngayong mag-isa na lang sya sa selda nila ni dating Senator Jinggoy Estrada, lalong nagiging positibo si Sen. Bong.

Continue reading below ↓

Mas naghigpit pa kasi ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame. Pagtuntong ng 5 P.M., wala nang tatanggaping dalaw.

Kaya siya na lang naiwan at sabi raw ni Sen. Bong, kung kay Sen. Jinggoy nangyari yun, baka bumigay na ito.

Kaya inuubos na raw niya ang oras sa pagbabasa at pagdarasal.

Dito bumilib si Nay Lolit sa pagiging positibo ng kanyang alaga.

Payo naman niya sa inaanak na si Mark Anthony, huwag huwag muna itong magpakita sa publiko pagkatapos niyang nakalaya.

Dapat ayusin muna ang sarili, lalong magpaguwapo bago siya lumabas, dahil tingin niya, makakabalik pa ito.

Nangako naman daw ang GMA-7 na makalabas lang si Mark Anthony, bibigyan nila ito ng programa. Hindi raw nila pababayaan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results