Role ni new actress sa isang film, demoted!

Dec 31, 2017

GORGY RULA: Naunsiyami ang maganda sanang break ng baguhang young talent na isinama sa pelikula ng isang sikat na young actress.

Maganda, mestiza, bata, sariwa si young talent kaya nagka-interes ang isang malaking film production, at pinapirma siya ng kontrata.

Ang first project na ibinigay sa kanya ay ang pelikula ng sikat na young actress na contract star ng naturang film outfit.

Ang role ni young talent ay barkada ni sikat na young actress para mahaba-haba ang exposure at makita ng film outfit kung potential star ba ito.

Pero nabulilyaso sa first shooting day pa lang dahil pinalitan ang role ni young talent.

Sa unang salang pa lang kasi, may napansin na si Direk at ilan pang taga-produksiyon.

Nang tumabi na kasi si young talent kay sikat na young actress na bida sa pelikulang iyon, lalong lumutang ang ganda ni young talent.

Nagmukhang alalay raw ang sikat na young actress. Marahil, naramdaman din yun ng huli kaya hindi niya pinapansin si young talent.

Continue reading below ↓

Kahit nga magpa-picture ay halatang iniiwasan niya si young talent. Hindi na lang siya nakapalag nang magkasabay sila sa elevator.

Kala ng discoverer ni young talent, tanggal na ang alaga niya sa pelikula. Sinabihan kasing hindi na barkada ang role dahil ang bata raw tingnan.

Kasali pa rin daw siya sa pelikula. Isa na siyang receptionist sa pelikula at isang eksena lang daw ang pagsasamahan nila ng sikat na young actress.

JERRY OLEA: Insecure ba si young actress kay pretty talent? Alam ni young actress ang kanyang kakayahan at limitasyon.

Bakit naman niya basta-basta hahayaan ang iba na umeksena sa kanyang teritoryo?

Pinoprotektahan lang ni young actress ang pansariling interes. Ayaw niyang magpagisa sa sariling mantika, ika nga.

Hangga’t mahaharangan niya ang mga posibleng pumalit sa kanyang trono, gagawin niya. Lalo pa ngayon na napag-iiwanan na siya ng young actress din na kahawig niya!

NOEL FERRER: “Kung ngayon, mataas sila, nagkikislapan, ipinangangako ko, Inay, bukas...”

Continue reading below ↓

Sana makabawi si young talent soon—on her own—para puwede niyang balikan si sikat na aktres na medyo nanganganib ngayon sa career niya dahil sa mga isyung kinasasangkutan at hindi nag-hit na teleserye.

Sa showbiz kasi, you are only as good as your last outing.

Good luck sa movie na ginagawa nitong young actress na ito!

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results