YES! MAGAZINE

SUBSCRIBE

Myrtle Sarrosa ilulunsad sa isang sexy drama film

JERRY OLEA: Kinumpirma ni Ms. Roselle Monteverde sa amin kahapon na ilulunsad ng Regal Entertainment si Myrtle Sarrosa sa isang sexy drama na ididirek ni Maryo J. de los Reyes.

“Sobrang grateful ko!” masayang sambit ni Myrtle nang makausap namin kagabi sa Mowelfund Film Institute.

“Kapapasok pa lang ng 2018, marami nang magagandang balita na dumadating sa akin.

“So, excited na ako sa upcoming film na gagawin ko sa Regal.”

Napag-usapan na nila ni Direk Maryo J ang plot ng movie, “Pero hindi ko pa alam ang mga detalye. Ipinagpe-pray ko na matuloy na siya talaga.”

Hanggang saan ang kaya niyang gawin at ipakita?

“Depende sa role. Willing ako to get into roles,” mabilis na tugon ng dalaga.

“Kasi, pinag-aaralan natin yung acting. Pag pumapasok ka sa iba’t ibang role, kailangang ibinibigay mo ang lahat para mabigyang hustisya yung character.

“Sa akin, as long as yung character, napakaganda... at may kuwento siya talaga, gagawin ko yung character.”

Kaya ba niyang mag-topless at ibilad ang kanyang boobey?

“Huwag naman yung topless,” tila nahihiyang sambit ni Myrtle.

“Yung sexy, OK lang. Pero yung full front nudity, hindi.”

NOEL FERRER: So kaninong yapak ang susundan ni Myrtle sa pagpapa-sexy?

Originally ang gusto ni Direk Maryo nang makausap namin siya ay ka-level sana ni Claudia Zobel.

Pero kung sexy lang, mala-ST ba nina Greta o Kring-Kring? Hindi man lang Ara Mina o Aubrey Miles.

Mapantayan man lang ba ni Myrtle si Daniella sa Nene o si Belinda Bright sa She Walks By Night?

Good luck, Myrtle!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN