Regine Velasquez, aminadong di kaya ang ginawa ni Joanna Ampil sa Ang Larawan

Jan 9, 2018

JERRY OLEA: Bumilib si Regine Velasquez sa husay ng MMFF 2017 best actress na si Joanna Ampil sa pelikulang Ang Larawan.

“I was very impressed with Joanna,” sambit ni Asia’s Songbird sa presscon ng Valentine concert na #paMORE sa Seda Hotel, Vertis North, QC, kahapon, January 8.

“She was so good. She was very good. I think she should do more movies.

“Kasi, kilala natin siya as a stage actress. And she’s been doing plays almost all her life. Pero sa abroad, eh.

“So, hindi natin siya masyadong nakikita sa mga... first time ko siyang nakita sa movie.

“She’s so good!” bulalas ni Regine.

Kaya ba niyang gampanan ang papel nitong Candida Marasigan?

“I don’t think I can do that,” pagkunot-noo ni Regine.

“I’m just being honest, na hindi ko kaya ang ganung karakter. Yung ginawa ni Joanna, she’s so good.

“I think we should see her more. Siguro, sa TV, doing a dramatic role. Do more movies.”

Continue reading below ↓


Nakagawa na si Regine ng musical film, ang Wanted: Perfect Mother. Sa TV, nag-Diva naman siya.

Eh, yung musical na mala-Larawan?

“Hindi ako sure kung kaya ng powers ko,” mabilis na tugon ni Regine.

“Kung may maibibigay sa akin na project... yung Larawan kasi, may specific na style of singing.

Continue reading below ↓

“Kaya sinasabi kong hindi ko kaya, kasi hindi iyon ang style ko, eh.

“Hindi ako pam-Broadway!

“Hindi ko ‘yon kaya, kung ganung style ng singing. Hindi ko ‘yon kaya.

“Sa akting, maitatawid ko naman ‘yon. Pero yung singing, hindi ko ‘yon kaya. Kasi, hindi iyon ang genre ko.

“But if there’s a musical that will be written for my type of music, maybe I can do it.

“Ahh... kaya ko lang sinasabi na hindi ko nga kaya, nung narinig ko yung kay Joanna... hindi yun kaya ng powers ko!”

Kasama ni Regine sa #paMORE concert sina Ogie Alcasid, Martin Nievera, at Erik Santos.

Itatanghal ito sa Pebrero 10, Sabado, 8:00 PM sa MoA Arena.

Available ang tiket sa SM Tickets (470-2222) at Star Media Entertainment (854-3300, 901-4562).

NOEL FERRER: That’s so nice of Regine—napaka-supportive sa mga fellow artists niya.

Oo, matagal na si Joanna na gumagawa ng pangalan sa world stage, pero dito sa Pilipinas, we have yet to know her and see her do more acting and more singing.

Continue reading below ↓

Nasa Hong Kong siya ngayon para gawin ang CATS.

Pero nagpaunlak siya sa amin ni Direk Rowell Santiago para sa isang espesyal na Valentine concert called Love Wins, which promises to be a winner of a concert.

Magaganap ito sa Feb 14, 8:30 pm sa BGC Arts Center.

Ticket inquiries and reservations can be done through Ticketworld - 8919999.

Sana makadalo sina Regine at Ogie na rin sa rare concert na ito ni Joanna, lalo pa’t ibang araw naman ang Valentine concert nilang #paMore.

Mabuhay ang OPM; mabuhay ang Filipino artists!

GORGY RULA: Sa totoo lang, ayaw talaga muna ni Regine na gumawa ng pelikula.

Kuwento nga niya, nung pumirma siya sa Viva Records, ang kinukulit daw sa kanya ni Boss Vic del Rosario ay gumawa na siya ng pelikula.

Ayaw na raw kasi niyang mag-drama.

Kahit nga sa soap sa GMA-7, kung puwede lang ay ayaw na raw niyang mag-drama, pero kailangan niyang gawin dahil nasa kontrata.

Continue reading below ↓

Pero nakatakdang gawin ni Regine sa GMA-7 ang isang kakaibang talent show na may tentative title na The Clash.

Saka na raw niya ikukuwento ang buong detalye kapag puwede na raw.

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Joanna Ampil
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results