Anak ng dating matinee idol, pinakawalan ng gay talent manager dahil sa motor

Jan 15, 2018

JERRY OLEA: Kakaibang karisma ang taglay ng gay talent manager na ito.

Lapitin siya ng pogilicious boys na gustong mag-artista.

May kung anong pang-akit ang bading na manager, at alam ng mga lalaki na hindi sila tatakbuhan nito.

Ang totoo, pakipot pa ang hitad.

Nag-judge kamakailan ang gay Talent Manager sa male beauty pageant ng isang pamantasan sa Kamaynilaan.

Pumukaw ng pansin ni Talent Manager ang apelyido ng isang kalahok.

Kaapelyido kasi nito ang isang dating matinee idol na kumpirmadong dakila.

Nang tsikahin ni Talent Manager ang propesor na nag-anyaya sa kanya sa timpalak, napag-alaman niyang ang makisig na estudyante ay anak nga ng dating heartthrob.

Bet na bet ni Talent Manager si Kuya, ngunit runner-up lamang ito sa paligsahan.

Ganunpaman, wagi si Kuya sa puso ni Talent Manager, at nagkapalitan sila ng digits.

Makalipas ang ilang gabi, nag-text ang 18-anyos na Pogi kay 40-something na Talent Manager para mag-inuman sila at magkuwentuhan.

Continue reading below ↓

Agad-agad pinag-Uber ni Gay Manager si Pogi at nakarating ito sa kanyang bahay.

Napasarap ang kanilang tagayan at talastasan, kaya sa bahay na ni Manager nagpasyang magpalipas ng gabi si Pogi.

Magkatabi sila ng higaan. Naglambing si Pogi na himas-himasin siya, at doon napagtanto ni Manager na si Pogi ay mana sa ama.

Naulit ang minsan.

Huwag na ninyong alamin kung gaano kadalas ang minsan na iyan.

Bagamat nabihag ni Pogi ang pusong pilipit ni Manager, umiral kay Manager ang dikta ng kanyang utak.

Kahit sarap na sarap si Manager, pinakawalan niya ang Magic Mike.

Sabi ni Manager, “Noong una, NP [no problem] sa aking pakimkim. Noong humingi siya ng pang-down sa motor, OK pa rin.

“Pero noong humingi na siya ng monthly na panghulog sa motor, it’s time to say good-bye!”

GORGY RULA: Siya nga yung anak ng dating heartthrob na nakakulong pa rin hanggang ngayon?

Kawawa naman ang mga anak niya dahil may hitsura pa naman silang lahat at puwede talagang mag-artista.

Continue reading below ↓

Pero tila napapariwara na ang iba dahil di nasusubaybayan ng magulang.

Kung dinedma na siya ng Gay Talent Manager, tiyak na mapupunta pa rin siya sa iba at baka magamit lang siya nang husto. Kawawa naman.

NOEL FERRER: In the first place, magsu-showbiz din ba itong anak ng dating aktor? Or nagpapaalaga lang siya kay Gay Talent Manager?

May talent ba o ang kanyang Magic Mike ang kanyang puhunan lang talaga?

Kasama rin kaya siya sa magmi-ME TOO sa kalakarang ganito sa showbiz o isa rin siyang karinderyang bukas kahit kanino?

Read Next
Read More Stories About
pep blind item, blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results