Pinoy designer Rocky Gathercole, si Tim Burton ang inspiration sa bagong collection

Jan 18, 2018

JERRY OLEA: Magpapasiklab muli ang Pinoy designer na si Rocky Gathercole sa 2018 New York Fashion Week.

Ikalima na niya sa NYFW ang Very RG 2018 Collection sa Pebrero 8.

Ani Rocky, “Ito ang first time na mailalagay sa MTV Channel ang show ko.

"First time din na gumawa ako ng collection with director Tim Burton as my inspiration.

"Saka ito iyong pinakamasaya habang ginagawa ko ang collection.”

Binubuno pa ni Rocky ang bagong creations hanggang sa katapusan ng Enero.

Pebrero 5 ang alis niya pa-Amerika.

Ilang modelo ang rarampa?

Sagot ni Rocky, “Thirty female models, 4 male models, and 5 Queens for the finale — Queen of Diamonds, Queen of Hearts, Queen of Spades, Queen of Clubs, and the Witch Tarot... the Evil Queen!”


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

At ano ang masasabi niya sa pagpanaw ni Pitoy Moreno?

“A big loss,” sabi ni Rocky.

“Personally, I like him as one of the pillars of Philippine fashion. The very first fashion designer who put Philippine fashion in the world!”

NOEL FERRER: Bukod sa ginawang MMK episode ang kanyang buhay, meron pang special show in his honor bilang Bantay Bata fundraising project.

Kinantahan pa siya ng Megastar Sharon Cuneta at ng ilan sa pangunahin nating entertainers. Ibang klase ang impluwensiya ni Rocky Gathercole.

On the younger batch, para ring si Francis Libiran na kamakailan lang ay naging tampok sa fashion show sa Harbin, China.

Mabuhay ang manlilikhang Pilipino!!!

GORGY RULA: Kilala nga si Rocky Gathercole sa ibang bansa, lalo na sa Amerika.

Kaya lang, bakit wala yata siyang shop doon? Bakit dito lang sa Pilipinas siya may shop? Sa Kamuning, QC ba?

Si Michael Cinco, pupuntahan mo pa sa Dubai.

Continue reading below ↓

Kung hindi ako nagkamali, sa sosyaling Beverly Hills naman si Monique Lhuillier.

At kahit si Josie Natori, nagkalat ang mga shops nya sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Meron kaya siya sa Amerika o kahit saang Asian country?

Paano kaya siya na-contact at nagawan niya ng mga bonggang outfit sina Jennifer Lopez, Britney Spears, Paris Hilton, at Nicki Minaj?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results