Imelda Papin at Claire dela Fuente, ayaw patawag na "Formalin Beauties"

Jan 18, 2018

JERRY OLEA: Ang saya ng mga biruan at parunggitan nina Rico J. Puno, Imelda Papin, Rey Valera, at Claire de la Fuente sa presscon ng Valentine concert nila, Timeless OPM, ngayong Huwebes, January 18, sa Icon Hotel, Timog Avenie, Quezon City.

Hirit ni La Papin, “Since first time po naming apat na magsama-sama sa isang major concert, inaasahan po namin na merong magsu-swimsuit. Naka-two-piece. Mga ganun ba.

“Itsa-challenge ko si Mareng Claire na mag-two piece! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Buwelta ni Claire na may himig ng pagbabanta, “Mare, magkaibigan tayo! Ha! Ha! Ha! Ha! Pag ikinasira ng career natin ‘yan! Ha! Ha! Ha!”

Inusisa ni Rico ang dalawang babae, “Bakit ganun? Nagpapa-siyensya pa kayo. Nagpapaayos.

“Tulad ni Eva [Eugenio]... si Eva, palagay ko, natanggal yung ilong!”

Sinaway ni Jun Lalin (host ng presscon) si Rico J dahil pinaninindigan ni Eva na hindi ito retokada.

Kuwento ni Rico, napanood niya minsan si Claire sa concert nito sa Solaire Hotel & Casino.

Continue reading below ↓

May malaking screen kasi sa labas ng venue.

Pasakalye ni Rico J, “Isa si Claire sa may pinakamagandang mukha—noong panahon natin.”

“Tapos?” sey ni Claire.

Pagpapatuloy ni Rico J, “Pagka-zinoom out, yung braso mo, sinlaki ng mukha mo. Tapos, hindi na malaman kung alin doon ang mukha mo at alin ang puwet.”

Napahagalpak si Imelda habang tumatalak si Claire, “Walang hiya ka talaga! Buwiset!”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kanya-kanyang market talaga ngayong Valentine’s Day.

Aside from the Thunders na sina Rico J. Puno with the "Formalin Beauties," meron din namang pang-international at world class ang dating.

Uuwi mula sa kanyang CATS engagement sa Hong Kong ang ating Metro Manila Film Festival Best Actress na si Joanna Ampil para sa isang espesyal na Valentine concert, na aptly entitled Love Wins, sa February 14 mismo sa BGC Arts Center with guests—mga fellow world class talents din na sina Mark Bautista at Arman Ferrer.

Sabi nga, dahil win si Joanna sa Ang Larawan ay winner of a concert ang dapat niyang ipakita sa Valentine concert na ito!

Puwede nang tumawag sa Ticketworld 8199999 for ticket reservations dahil kaaabang-abang ang mga magaganap sa nasabing concert.

GORGY RULA: Pagkatapos ng presscon ng Timeless OPM, nag-meeting silang lahat para mapag-usapan na ang promo ng naturang Valentine concert.

Narinig naming nakiusap si Imelda Papin na huwag naman daw silang tawaging "Formalin Beauties."

Continue reading below ↓

"Okay lang paglaruan ang edad natin, pero huwag naman formalin," protesta ng KAPPT president.

Pero sa totoo lang, 65 years old na pala si Rico Puno sa February 13, at naiisip na rin niya ang pagre- retire.

Gagawa raw muna sya ng isang malaking concert at magri-release pa siya ng album kung saan may mga ka-duet siya.

Ilan sa mga makaka-duet niya sa gagawing album ay sina Martin Nievera, Gloc 9, at mga kakontemporaryo rin niya kagaya nina Claire, Hajji Alejandro, at Marco Sison.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results