Sabrina M, mamamasukan bilang labandera kapag nakalabas ng kulungan

Jan 19, 2018

JERRY OLEA: Halos P500K ang kailangan para makapagpiyansa si Sabrina M, na nakadalawang Pasko na sa bilangguan.

Para makalikom ng pampiyansa, pangungunahan ni Katrina Paula ang isang fund-raising event kasama ang kapanabayang sexy stars na nagmamalasakit kay Sabrina M.

Kailan ang event na ito?

“Ipagpapaalam pa sa abogado at DOJ,” sey ni Katrina.

Pursigido si Sabrina na umiwas sa droga at magbagong-buhay.

Paglabas ng kulungan, mamamasukan daw siyang labandera.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kung nakapag-raise man ng funds para sa piyansa ni Sabrina M, mukhang kailangan din niyang dumaan sa proseso ng pag-aayos with professional help.

Hindi sapat ang sabihin niyang umiwas sa temptasyon at magbagong-buhay lang... kailangang dumaan sa rehab at reformation process para guided at monitored ang kanyang pagbabagong buhay.

Kasi, para 'yang ibang idle na kasama natin sa industriya—dahil sa kawalan ng pinagkakaabalahan at mababang pagtingin sa sarili’t walang direksyon—na ang ganyang bisyo ang kinahuhumalingan.

Nataon ang balitang ito sa pagbabalik-showbiz na naman ni JM de Guzman after undergoing rehab.

Sana tuluy na tuloy na nga ang pagbabagong buhay, lalo na sa mga mahuhusay nating mga artista sa industriya.

GORGY RULA: Nakausap ko si Katrina Paula, awang-awa nga raw siya kay Sabrina nang dinalaw niya ito dahil sa sahig lang pala ito natutulog.

“Isipin niyo, dalawang taon na siyang natutulog sa sahig.

"Ibang-ibang Sabrina na ang nakikita ko na dati bumababa pa lang ng hagdanan, naaamoy mo na ang pabango niya.

Continue reading below ↓

"Pero ngayon, iba na talaga.

“Dito mo nakikita na kahit artista ka, wala kang magagawa o wala kang lusot kapag sa drugs ka masasangkot, eh. Kaya ang laki nang pagsisisi niya ngayon.

"Accepted na niya ang pagkakamali niya, eh, at sabi niya willing naman daw siyang magbago,” pahayag ni Katrina.

Kaya sana matulungan daw si Katrina sa paglikom ng sapat na halaga para pampiyansa kay Sabrina.

Hindi na nga raw nakikita ni Sabrina ang mga anak, kaya yun pa raw ang gusto niyang hanapin pag makalabas na siya.

Balak daw sanang lapitan ni Katrina si Robin Padilla, at baka may maitutulong daw ito para sa pampiyansa kay Sabrina.

Nangako naman daw ang dating sexy star na magbabago na talaga siya at magtatrabaho kahit kasambahay, para lang daw makabalik na siya at mapatunayang nagbabago siya, at tuluyan nang talikuran ang masamang bisyo ng pagdu-droga.

Read Next
Read More Stories About
Katrina Paula, Robin Padilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results