Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana, hands-on sa pag-alaga ng baby number two

Jan 21, 2018

NOEL FERRER: Masaya si Direk Jun Lana sa magandang word-of-mouth at very encouraging reviews sa kanyang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, starring Judy Ann Santos and Angelica Panganiban with Joross Gamboa and JC de Vera.

Patuloy na nadadagdagan pa ng sinehan ang naturang pelikula at kahit may naunang pangamba na baka mag-niche audience dahil R-13 ang MTRCB rating nito ay patuloy itong lumalakas sa takilya.

Tunay nga sigurong may dalang suwerte ang mga babies.

Oo, at alam natin na meron nang isang anak sina Direk Jun Lana at Perci Intalan, pero gaano katotoo ang balitang may ikalawa na silang baby?

Hindi yung baby projects katulad ng Mrs. Reyes at Fairy Tale Story pero totoong baby.

Tila may pahiwatig ito sa bagong biyayang natanggap niya sa buhay nang mag-post siya tungkol kay Juday, na may kinalaman din daw sa sorpresang iyun.

At kahapon, January 20, sa naganap naming annual reunion kasama sina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez, nag-beg off daw si Direk Perci dahil may dalawa na raw siyang anak na kailangang alagaan.

Continue reading below ↓

So dobleng ligaya, dobleng suwerte at dobleng kita sana ang dala nito sa mga projects ng mag-asawang IntaLana habang sobrang nagpi-pick up lalo na sa mature audience ang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na likha nila.

GORGY RULA:
Baby boy na naman pala ang pangalawang anak nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana. Ayaw lang ibigay ni Direk Perci ang buong detalye kung bakit nasa kanila ang baby. Iniiwasan na rin niyang pag-usapan kung ano ang partisipasyon ni Judy Ann para na lang daw sa privacy ng bagets.

Basta sabi ni Direk Perci, “Sabihin ko na lang sa akin nanggaling, bakit ba? Kaya nga siguro medyo mataba ako lately, yun na pala yun!”

Ang mahalaga, may isang anghel silang inalagaan at nangakong bibigyan ng magandang kinabukasan.

Magandang balita 'yan ngayong feast of Sto. Niño.

JERRY OLEA: Wow! Hands-on sina Direk Perci at Direk Jun sa pag-aalaga ng kanilang mga supling.

Continue reading below ↓

Magkatuwang silang dalawa! Larawan ng makabagong pamilya!

Naalala tuloy namin si Joel Cruz. Meron bang katuwang si Joel sa pag-aalaga ng mga anak?

Kung meron man, pakakasal din kaya sila? Sa totoo lang, mas tumitibay ang pagsasama ng mag-asawa o magka-partner kung meron silang anak na inaaruga, isinasaalang-alang, at mas nagbibigay kahulugan sa kanilang buhay!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results