Robin Padilla, ayaw makialam sa kaso ni Sabrina M.

Jan 30, 2018

JERRY OLEA: Gustong lumapit ni Katrina Paula kay Robin Padilla upang makalikom ng pampiyansa kay Sabrina M, na nakakulong dahil sa kaso ng droga.

“Naku, nakakatakot ‘yan!” bulalas ni Robin ngayong Martes ng hapon, Enero 30, sa Black Mamba, West Ave., QC, matapos mag-renew ng kontrata sa Bravo (food supplement for men).

“Sa drugs kasi... alam n’yo, kay Mark [Anthony Fernandez] nga, hindi ako nakialam dun, eh!

“Kasi, para sa akin, ang drug addiction, journey ‘yan ng isang tao. Hindi ‘yan puwedeng maging journey ng grupo!

“Kung gusto mong magbago, sarili mo ‘yan!

“Eh, kung ganyan na... baka maaaring ilapit ko sila sa ibang tao.

“Pero kasi ako mismo, doon sa usapin na... kailangan, ipakita natin na gusto nilang magbago.

“Kapag gusto nilang magbago, nandiyan tayo para tumulong.

“Pero para sabihin natin na tayo ang magsasabi sa tao na, ‘Magbago ka!’ at gagawa tayo ng paraan para magbago siya... malabo ‘yon.”

Continue reading below ↓

Ano ang mensahe ni Robin para kay Mark Anthony?

“Hanga ako! Hanga ako sa pamangkin ko na ‘to,” sambit ni Robin.

“Hindi ito humingi ng tulong sa akin. Wala itong ano. Wala itong ano na nagsabi na, ‘Tulungan mo ako, Tito Robin!’

“Pinuntahan ko siya dun. Nag-usap kami. Hindi ako nakapasok, kasi, ang daming press. Nag-usap lang kami sa telepono.

“Sabi niya, ‘Kaya ko ‘to! Paninindigan ko ‘to!’

“Kako, ‘Magpasalamat ka’t buhay ka!’

“Ayun, nakalabas siya!

“Pamangkin, unang-unang masaya diyan, tatay mo. Pangalawa, kami.

“Eh, naniniwala naman ako na lahat tayo, nakadanas ng piitan... Ako, Tito Rommel [Padilla] mo...

“Si Tito Rommel mo nga, ano pa ito, maximum. Ako, nasa medium security lang.

“Eh dapat, yung mga natutunan natin diyan sa bilibid, huwag nating makalimutan...

“At sana, huwag nang masyadong palakihin ang isyu kay Mark.

“Una, hindi naman tulak ‘yan.

“Pangalawa, marijuana lang ‘yan.

“Dadating nga ang panahon, mali-legal pa ang medical marijuana na ‘yan!”

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Proud ding ibinahagi ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla doon sa presscon ng Bravo na tuluy-tuloy na ang pagsisimula nila sa reconstruction ng Marawi.

Sa tulong ng mga kaibigan niya sa showbiz, kagaya nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, at Direk Joyce Bernal, nakapagpatayo na raw sila ng dalawang deep well sa evacuation center.

Continue reading below ↓

Pero mas naka-focus ngayon sina Robin sa pagbili ng lupa na papatayuan ng mga bahay sa Marawi.

Sabi ni Robin, “Nandun pa rin po kami sa proseso ng pagbili po ng lupa, kasi ayaw po natin na hindi po sa atin yung lupa.

"Ang gusto po natin, dahil tayo po ay pribado, ang gusto po natin, ang lupa po nating bibilhin ay talaga pong mapupunta dun sa taong a-award-an natin ng bahay.

“Kasi meron na po tayong naririnig at marami na pong nangyayari na kapag dinonate ng gobyerno yung lupa, pagkaraan ng ilang panahon ay nababawi po yung lupa.

"Kaya po yung gusto po natin ngayon ay talagang atin po yung lupa at ibibigay po natin talaga sa kanila.”

Ipinagkibit-balikat na lamang ng action star ang ilang namba-bash at basta may masabi lang na may ibang agenda raw si Robin sa proyekto niyang ito.

Sagot ni Robin, “Hindi ko na sila iniintindi, kasi sa totoo lang, kung iintindihin ko pa sila, mauubos lang ang oras ko sa pagsagot.

Continue reading below ↓

"Ako pa naman, gusto ko sinasagot dahil ang iba riyan, gusto lang nilang magtanong at gusto lang nilang sumagot ka.

“Kung sila ay tunay talagang mga Muslim, hindi n'yo dapat husgahan ang kapatid.

“Kung sasabihin n'yo agenda, anong agenda ang gusto n'yo, kasi ang laki ng gastos ko dito, hindi ako kumikita dito.

“Hindi ako pagkakatiwalaan ng mga kapatid kong artista kung wala silang nakikita rito. Hindi ako ganun.

"Ang donasyon nilang piso, nakakarating 'yan, 150. Kahit tanungin n'yo ang mga artista. Hindi ho ako adik sa pera,” pahayag ni Robin.

NOEL FERRER: Maganda sigurong lapitan ni Katrina yung mga naging producer ng mga pelikula ni Sabrina M.

Dito masusukat ang mga nagmamahal sa kanila. Nakakalungkot, pero ito nga ang realidad sa buhay.

Kailan at sino kaya susuporta sa Piyansiya Para Kay Sabrina?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results