Pag-iinit nina Tom Rodriguez at Xian Lim sa sexy movies nila, pang-promo lang ba?

Jan 31, 2018

JERRY OLEA: Nakiliti kami sa tsika ng isang showbiz insider kaugnay sa love scene nina Tom Rodriguez at Lovi Poe sa pelikulang The Significant Other.

Bago ang romansahan, nagpasintabi umano si Mang Tomas (tawag kay Tom) sa dalaga na huwag nitong pansinin sakaling may maramdaman ito sa kanyang titigas-tigas o iigkas-igkas.

Nang usisain namin ang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan, ngumiti ito nang pagkatamis-tamis at nagturan, “Basta, ang alam ko, dakila si Tom!”

Hindi kataka-taka na mag-init si Tom sa alindog ni Lovi.

Ang may windang factor sa amin ay ang blind item ng isang showbiz writer na panay ang pralala sa pelikulang Sin Island na pinagbibidahan nina Coleen Garcia, Xian Lim, at Nathalie Hart.

Ang eklay nito, kesyo na-arouse ang isang aktor nang pumasada ang dila ng kaeksenang sexy actress sa nipple nito, at napangiti na lang si sexy actress.

Napatili ang isang beteranong movie reporter, “Ano?! Tinelagan si Xian?!”

Continue reading below ↓

Ewan kung naeskandalo ang beteranong movie reporter, o pakiwari niya ay fake news ito.

Hindi naman siguro ito ang dahilan kaya nagbabantang sumabog ang Bulkang Mayon.

Hindi po mag-eespadahan sa takilya ang movies nina Xian at Tom.

Mauunang ipalabas ang Sin Island sa Pebrero 14, at ang makakasabong nito ay ang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Sa Pebrero 21 pa ipapalabas ang The Significant Other.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Isang malaking PROMO... Sana makatulong ang mga isyung ito sa kalalabasan ng mga pelikula nina Xian at Tom.

GORGY RULA: Kay Nathalie Hart mas nag-init si Xian, hindi kay Coleen?

Si Tom naman ay mas tumalab nag alindog ni Lovi kesa kay Erich?

Pero ang sabi ng ilang nakasilip na ng The Significant Other, ang dami raw love scenes ni Tom kay Erich, na wala ring arte sa sexy scenes.

Obvious na gustong ibalik ng mga producers ng Sin Island at The Significant Other ang mga sexy movies.

Bago pumanaw si Direk Maryo J. delos Reyes, gusto sana niyang mabalik ang sexy movies pero hindi naman daw ka-cheapan.

Kaya nga gusto sana niyang i-launch bilang bagong sexy star si Myrtle Sarrosa, at pati si Orlando Sol na pinaghahanda na raw niya para sa isang movie project na may tentative title na Marko Positibo.

Dito na raw sana ilu-launch na rin si Orlando bilang sexy actor.

Continue reading below ↓

Kapag makalusot itong Sin Island at The Significant Other sa box-office, malamang na magsunuran na rin ang ilang producers sa paggawa ng sexy films.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results