Ara Mina, "pinatay" si Direk Joel; Maricel, biglang umalis sa lamay ni Direk Maryo J.

Feb 1, 2018

JERRY OLEA: Dumagsa ang Regal Babies sa ikalawang gabi (Miyerkules, Enero 31) ng lamay ni Direk Maryo J. delos Reyes sa Loyola Memorial Chapels & Crematorium sa panulukan ng Commonwealth Avenue, corner Luzon Avenue, QC.

Hindi na namin naabutan sina Gabby Concepcion at Maricel Soriano na maagang dumating.

Gabi iyon ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde at Directors Guild of the Philippines kaya pabonggahan ng eulogy ang mga direktor.

Bongga ang pagpupugay ni Direk Joey Reyes.

Tawang-tawa ang audience sa performance at revelations ni Direk Joel Lamangan.

Pinagsalita si Aga Muhlach, na sumikat dahil sa pelikulang Bagets (1984), na idinirek ni Maryo J.

Ibinunyag ni Alice Dixson na crush niya noon si Direk Maryo, at kumurot sa puso ng mga nakikiramay ang pahimakas ng kapwa-Boholano ni Direk na si Cesar Montano.

Sa pag-awit ni Dulce, masasabihan siyang, "Bongga ka, 'day!"

Pero mas bongga kaysa sa papuri ni Direk Joel Lamangan at pagbirit ni Dulce ang payanig ni Ara Mina.

Continue reading below ↓

Bahagi ng hanash ni Ara, "Mami-miss ka namin, Direk... siyempre, isa sa mga pinakamagaling na direktor natin na nandito, along with... si Direk Joel na nakasama ko rin... ahh... yun lang... sana..."

Maluha-luha na si Ara, "Natutuwa ako, kasi, andaming friends dito ni Joel. Talagang nakakalungkot lang."

Umugong ang reaksiyon ng mga tao.

Nahimasmasan si Ara, "Ay! Ni Direk Joel! Sorry! Direk Maryo!

"Sorry! Sorry! Sorry!

"Hindi ako prepared, Direk! Ha! Ha! Ha! I love you, Direk! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Sa totoo lang, ang init ng mukha ko ngayon!

"Hindi ko kasi alam. Hindi ako prepared na magsasalita ako, pero...

"Yun lang ang masasabi ko, we will miss you, Direk!"

Pagkatapos mag-speech ni Ara ay pumunta agad siya kay Direk Joel at yumakap.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: May pagkamali-mali naman talaga si Ara.

Remember nang ma-interview din siya noon nang nagpasya siyang tumakbo for public office?

Pero kasama na yun sa pagtanggap natin sa kanya bilang Ara Mina (aka Hazel Klenk).

Ang sabi pa ni Ara, na lumabas din sa PEP, "Yung iba, nilalait ako na bobo ako.

"Kailangan ba utak palagi ang ginagamit? Kailangan puso din, di ba?

"Lahat ng bagay napapag-aralan. Kung bobo ako, hindi siguro ako tatagal sa industriya."

Well, baka hindi lang siya talaga prepared.

GORGY RULA: Bahagyang napaismid si Mother Lily nang biglang umalis na si Maricel Soriano sa panimula ang misa.

Inaasahan niyang magtatagal doon ang aktres dahil Regal night nga raw yun.

Kagabi na rin kinausap ni Mother Lily ang younger brother ni Direk Maryo upang ayusin na nila ang ibang properties ng namayapang direktor na nakapangalan pa sa film producer.

Ilan sa nabanggit ni Mother ay ang unit ni Direk sa Imperial Palace at ang resort nito sa Los Baños, Laguna.

Continue reading below ↓

Sa pangalan pa pala ang mga ito ni Mother Lily, pero pag-aari na ni Direk Maryo.

Kaya sinabihan ni Mother Lily ang kapatid ni Direk Maryo na kumuha siya ng lawyer para mag-ayos sila ng lawyer ng Regal matriarch kung paano mata-transfer sa kanila ang ilang naiwang properties ni Direk Maryo.

JERRY OLEA: Tatlo ang misa ngayong Huwebes para kay Direk Maryo — 12:00 NN, 6:00 PM, at 8:00 PM.

Ang 6:00 PM ay nakalaan sa seminaryo ng Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City. Dating seminarista doon si Direk.

Ang pam-primetime (8:00 PM) ay ise-celebrate ni Fr. Sonny Ramirez.

Ang mga dinner mula noong Martes hanggang bukas ay sagot ni Dra. Margarita How ng ToFarm filmfest.

GMA Films ang sponsor ng midnight snack mamaya, kaya inaasahan namin ang pagdagsa ng mga Kapuso.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results