Aicelle Santos, susunod na sa yapak ni Rachelle Ann Go?

Feb 2, 2018

NOEL FERRER: Nakaka-touch ang post ni Aicelle Santos sa kanyang boyfriend na si Mark Zambrano na mag-ingat dahil na-assign ito sa Mayon coverage.

“Please be safe for me mahal. We’ll be hugging when you get back from Mayon. I love you and I’m proud of you,” sabi ni Aicelle.

Hay, ang pagmamahal talaga, a series of hellos and goodbyes.

Naku, ngayon si Aicelle ang nagsesenti sa paggu-goodbye, kakayanin kaya ni Mark kung si Aicelle naman ang mag-goodbye for work?

Let’s wait and see.


JERRY OLEA: “Absence is to love as wind is to fire; it extinguishes the small and kindles the great."

Sabi iyan ni Roger de Bussy-Rabutin.

Masusubukan ang init at kadakilaan ng kanilang pagmamahalan kapag natuloy ang pagtatrabaho ni Aicelle sa Europa.

If ever, pwede silang mag-Viber o Skype araw-araw!

GORGY RULA: Sana matuloy si Aicelle sa bagong challenge na ito sa kanyang career.

Mala-Rachelle Ann Go ang tatahakin niyang career kapag matuloy itong bagong trabaho niya. Tiyak na mapapansin siya roon, dahil magaling naman talaga siya.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin ang announcement, at kung matutuloy ito, mababawasan pansamantala ng isa pang magaling na singer ang GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results