Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ayaw nang sundan si Nate?

Feb 2, 2018

GORGY RULA: Nakakatuwang tingnan kanina, February 2, sa presscon ng #paMORE Valentine concert nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Regine Velasquez nang dumating si Nate.

Kitang-kita naming nagliwanag ang mukha ng mag-asawang Ogie at Regine nang makitang lumalapit sa kanila ang bagets.

Si Regine ang unang nilapitan ni Nate, yumakap at hinalikan ito ni Regine.


Continue reading below ↓

Pagkatapos nun ay lumipat siya kay Ogie at nagyakap sila nang mahigpit. Matagal ang yakapan nilang mag-ama.

Bago nagsimula ang presscon, napag-usapan namin nina Regine at Ogie ang tungkol kay Nate.

Tinanong namin ang mag-asawa kung gusto ba nilang sundan si Nate kahit sa scientific na paraan para mabuntis uli si Regine.

“Parang okay na kami,” pakli ni Regine.

“Alam mo si Nate is such a blessing. Kasi aksidente siya, eh. Binigay siya talaga.

"Parang feeling ko, binigyan na nga ako, pupunta pa ba ako sa siyensya?

"Feeling ko, ibinibigay yun talaga sa 'yo na kahit pupunta ako sa siyensiya, kung hindi, hindi talaga. So, parang yun na yun.

“If He give us one more, we’ll be so happy.

"I think, tinatama na rin kasi… anong edad ko pa?

"Kasi parang hindi naman fair dun sa next. Wala na ako masyadong energy,” dagdag na pahayag ni Regine, na 47-anyos na.

Continue reading below ↓

Look who joined #paMORE press conference earlier. ð???

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

NOEL FERRER: Natuwa ako nang malamang may pinaplanong musicale based sa mga kanta ni Ogie Alcasid.

Si Martin naman, bagay na magkaroon ng digital talk show na sana matuloy dahil meron siyang nakabangkong magandang interview with Lionel Richie, at kayang-kaya niya 'yan!

Si Regine, dapat gumawa pa ng maraming pelikula dahil aside from concerts, bagay siya doon.

Nakaka-excite nga nang minsang mag-meeting sila nina Ogie, Piolo Pascual, at Direk Joyce Bernal for a project. Sana pelikula nga yun.

Si Erik Santos naman, nagsimula nang magdirek ng concerts; magandang ipagpatuloy pa niya ito.

Kapwa mahuhusay na mga singers, magandang may iba’t ibang gawain at careers pang naghihintay sa kanila.

Bongga pa more!

JERRY OLEA: Ika-56 kaarawan ni Martin sa Pebrero 5.

Dalawa ang pa-birthday cake sa kanya, at dalawang beses siyang kinantahan.

Noong una, bonggang-bongga ang pagbirit ni Ogie ng birthday song. Ang tataas ng mga nota!

Mas bongga sa pangalawang kanta sa pangunguna ni Regine, kung saan pa-sintonado kaya tawang-tawa ang mga tao, lalo pa’t nagme-make face ang Concert King.

Continue reading below ↓

Nang umalis sandali sa presidential table si Ogie, iniwan nito ang pitaka sa mesa.

Ang sabi ni Martin kay Nate, “It’s my b-day! Give me your dad’s wallet!”

Sumunod ang bagets at yumakap pa kay Martin.

Halos sold out na ang #paMORE concert nina Martin-Ogie-Regine-Erik (MORE) na gaganapin sa Pebrero 10, Sabado, 8 PM sa Mall of Asia Arena.

Biro ni Erik, iyong “pa” sa #paMORE ay sina Pops (Fernandez) at Angeline (Quinto).

Sa aming FB live, pinatanong ng Hollywood correspondent na si Oliver Carnay (ng Los Angeles, CA) kung may US tour ang #paMORE.

Ang sabi ng produ na si Anna Puno ng Starmedia Entertainment, “If the price is right!”

Mas bet ni Martin na dalhin ang concert nila sa Rome, Italy para ang title ng concert nila ay gawing #paROME.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results