Bumaha ng luha sa huling gabi ng lamay para kay Direk Maryo J. delos Reyes

Feb 3, 2018

JERRY OLEA: Napaluha kami sa pagpupugay ng mga Boholano sa huling gabi (Biyernes, Pebrero 2) ng lamay kay Direk Maryo J. delos Reyes sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, QC.

Pinagkalooban ng gobernador ng Bohol ng posthumous award si Direk Maryo J. para sa mga kontribusyon nito sa kanilang lalawigan.

Sinariwa ng kababata ni Direk na si Lutgardo Labad ang buhay nila noong mga bagets pa sila.

Isang Boholano ang nag-alay ng awitin sa kanilang rehiyon, at meron ding naghandog ng interpretative dance.

Kumurot sa amin ang pag-awit ng Kapusong si Rita Daniela ng "Ikaw Lang Ang Mamahalin."

Pam-finale sa tribute ng mga Boholano ang pagkanta ng kanilang choir ng "You Raise Me Up" at "Hanggang."

Lumagaslas doon ang aming masaganang luha, at pinagkalooban ang choir ng masigabong palakpakan.

May misa ngayong Sabado ng 10 AM para kay Direk Maryo.

11 AM ang cremation.

4 PM ilalagak ang kanyang abo sa Himlayang Pilipino.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Dumalaw kami kagabi kasama si Iza Calzado, at nadatnan namin dun sina Roderick Paulate, Cherry Pie Picache, at Direk Joel Lamangan.

Most talked-about eulogist pa rin daw si Ara Mina, at parang wala nang makatatalo sa impact ng kanyang speech.

Bukod sa PETA colleagues nina Direk Maryo na sina Gardy Labad at ang inaaasahang si Cecille Alvarez, looking forward ang PETA sa pagbibigay-pugay kay Direk Maryo on his 40th Day, kasama na ang mahusay rin ang pagpupugay sa aktor na si Spanky Manikan.

Parang gusto ko yung narinig naming idea na sana ginawang party ang last night ni Direk Maryo, dahil that is the way he lived.

Life was for him, a big party, a celebration.

Muli, maraming salamat, Direk Maryo. We love you!!!

JERRY OLEA: Nagpugay rin kay Direk Maryo J. ang mga talent niya sa Production 56, na halos lahat ay luhaan.

Nariyan si Congressman Yul Servo, na inilahad kung paano hinubog ni Direk ang kanyang career.

Continue reading below ↓

Nakadalawang awit si Orlando Sol.

Tawang-tawa ang mga naglamay sa inilahad ni Blumark Roces na tubong-Bohol.

Namataan namin si Jiro Manio, bida sa Magnifico, pero hindi siya nagsalita sa harapan ng mga tao.

Agaw-eksena sa lahat ang PWD na si Mon-mon, na kandahirap at kandalipilit sa pagsasalita, pero nagawa pang umawit para kay Direk Maryo ng "Hawak Kamay."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Maryo J. delos Reyes
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results