Producer ng historical film, ayaw ibigay ang mana sa mga pamangkin?

Feb 4, 2018

JERRY OLEA: Nanlumo kami nang masilayan ang bantayog ng isang bayani noong Hunyo 2015 sa isang lungsod sa Central Luzon.

Ang bantayog ay nasa plaza sa tapat ng lumang simbahan.

Nakatayo ang bantayog sa mismong lugar kung saan pinaslang ang bayani.

Ginawang parking lot ang plaza. Maraming tindahan ng kung anu-ano sa paligid. Maingay at magulo.

Ilang araw pa lang noon matapos ang birth anniversary ng bayani, ngunit masukal at madumi ang kanyang bantayog.

Matapos ang tatlong buwan ay ipinalabas ang pelikula tungkol sa bayani.

Pebrero 2016, dumalaw muli kami sa makasaysayang bantayog ng lahi.

Aba! Wala na ang mga nakaparadang jeep at kung anu-anong paninda sa paligid.

Malinis na!

Noong isang araw, nagulantang kami sa socmed post ng isang showbiz reporter/blogger kaugnay sa isa sa mga prodyuser ng pelikula tungkol sa buhay ng magiting na bayani.

Ang hanash ni reporter/blogger, “Ano kaya ang masasabi ng mabunying bayani sa ganid na negosyante na ayaw ibigay ang pamana sa kanyang dalawang pamangkin?”

Continue reading below ↓

Masalimuot ang usaping ito. Maputik.

Malapit nang umalingasaw.

NOEL FERRER: Sabihin na nating naging successful ang kanilang pelikula ukol sa isang bayani, ngunit nakakalungkot na yung mga sumunod nilang mga ginawang pelikula ay hindi pa mapantayan ang unang naitalang record sa box office.

Sila sana ang puwedeng makapagpatunay na puwedeng pagsabayin ang magandang kalidad ng pelikula at ang suporta ng maraming mga manonood.

Sana rin maayos nila ang anumang sigalot at di pagkakaunawaan na meron sa pamilya nila.

Para good karma and good vibes lang ang lahat.

GORGY RULA: Labas na tayo sa isyu ng kanilang pamilya.

Ang hirap makisawsaw, magdunung-dunungan, makialam lalo na't pera ang involved.

Sana patuloy pa rin sila sa paggawa ng matitinong pelikula.

Bahala na ang korte sa isyu ng pamilya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results