JERRY OLEA: Pretty in pink si Ai-Ai de las Alas nang dumalo sa “debut” ng movie producer na si Madam Baby Go kagabi, Linggo, Pebrero 4, sa Marco Polo Hotel-Ortigas.
Kasama niya ang mister na si Gerald Sibayan.
Kumusta ang buhay may-asawa?
“Masaya! Mabait ang asawa ko, eh!” mabilis na sambit ng 53-year-old comedienne.
Nasa honeymoon stage pa sila, at bakas sa mukha ni Ai-Ai ang ligaya sa piling ng kanyang dyowa.
Excited din si Ai-Ai sa bagong indie movie niya na pamamahalaan ng “dear, dear friend” niyang si Louie Ignacio, na nagdirek ng Area kung saan nagkamit siya ng tatlong international awards.
Intended ito para sa Cinemalaya 2018.
NOEL FERRER: Maganda naman at hindi natitigil gumawa si Ai-Ai ng mga pelikulang makabuluhan na puwedeng pansali sa mga film festivals.
Ngayong nag-last episode na ang kanyang TV show na Bossing & Ai, mabuti’t nakakahanap pa siya ng oras isingit ang paggawa ng pelikula kahit may teleserye siya (Sherlock Jr.) at Sunday PinaSaya.
All the best kay Ai-Ai delas Alas!
GORGY RULA: Naku! Pahapyaw na naibahagi sa akin ni Direk Louie ang kuwento ng Cinemalaya movie ni Ai-Ai.
Super bad daw dito si Ai-Ai hanggang ending, kung saan mga batang hamog ang kasama rito ng aktres.
Walang redeeming factor daw ito, kaya ibang Ai-Ai sa pelikulang ito.
Nakakaloka raw ang ending na sana pasok sa MTRCB.