Marian Rivera, pumirma ulit ng three-year contract sa GMA-7

Feb 5, 2018

GORGY RULA: Ayaw sanang sabihin ng taga-GMA-7 kung ilang taon ang pinirmahan ni Marian Rivera sa renewal of contract niya sa Kapuso network.

Pero nalaman na rin namin sa manager ng aktres na si Rams David na standard naman daw ang three-year contract.

Pero sinabi ni Marian na hindi sumagi sa isip niyang lumipat sa ibang istasyon.

Next week ay pag-uusapan daw nila kung ano ang susunod na gagawin niya pagkatapos ng Super Ma'am.

Pero kahit sino raw ang makaka-partner niya, okay na okay lang sa kanya.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Seksi-seksihan si Marian sa renewal of contract niya sa Kapuso Network, huh?!

Bonggacious pa rin ang kanyang alindog kahit lumalaki na ang panganay nila ni Dingdong Dantes.

Maalab pa rin ang kanilang pag-ibig lalo pa’t may tatlong araw silang get-away bilang pa-Valentine sa isa’t isa!

For sure, ipu-post nila sa socmed ang kanilang loving-loving moments!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Bukod sa mga TV shows, sana magawan ng pelikula ng GMA si Marian para mapatunayan nilang hindi lang TV star ang prime star nila kundi movie star din na may box-office clout.

Dingdong was able to do that by putting up his own film company and tying up with Star Cinema.

Puwede rin namang gawin ni Marian 'yan especially with the help of APT.

Congratulations kay Marian!

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results