Kilalang photographer, sangkot sa photo scandal kasama ang ilang male models

Feb 5, 2018

GORGY RULA: Naku! Huwag naman sana umabot pa sa Senado itong nagsisimula nang kumalat na mga litrato ng kilalang photographer na may kahalayang ginagawa sa male models na pini-pictorial niya.

Kilala sa showbiz itong si Photographer dahil marami rin siyang na-pictorial na showbiz celebrities. Naging kaibigan kasi ito ng ilang talent managers.

Pero mahilig talaga siyang mag-pictorial ng male models nang libre. Ginagamit din kasi ng models sa kanilang portfolio ang mga litratong kuha nitong photographer.

Ilan sa mga litratong nakarating sa amin ay kitang-kita itong si Photographer na halos nakaluhod na sa harapan ng male model na kinukunan niya.

Nakababa na ang trunks na suot ni Male Model at sing si Photographer.

Tila sarap na sarap si Photographer sa ginagawa niya, kaya ewan ko lang kung aware siyang may kumukuha sa ginagawa niya.

O baka naman proud na proud din naman siya sa ginagawa niya, kaya documented ito.

Wala pa namang male models na pumiyok at baka gusto naman nila.

Continue reading below ↓

Kasi kung merong may magreklamo, maaaring kumalat na ito, maging malaking isyu, at ewan ko lang kung another Jojo Veloso case ito na umabot na hanggang Senado.

Sa mga hindi nakakakilala o hindi naabutan si Jojo Veloso, siya ay isang talent manager na nasangkot sa video scandal kasama ang maraming male models noong '90s.

JERRY OLEA: Bagong Jojo Veloso ang peg ng magaling na photographer.

May website siya, blog, at YouTube channel na tampok ang kanyang mga modelo—pa-tweetums man o hubadero.

Kumalat na noon sa Twitter ang maraming vidcaps ng mahahalay niyang eksena, pero nasususpindi ang mga account ng mga nagtu-tweet.

Kita sa ibang models na bini-video ang kanilang pagpapaubaya kapag lumuhod na ang photographer.

Budol-budol ang mga pag-usal ng photographer, at minsan ay napapaungol na lang ang mga modelo sa photographer na sakdal husay.

Kung walang magrereklamo, walang kaso.

Ganoon ang sinapit ng isyu ni Jojo Veloso.

Continue reading below ↓

Umabot ang usapin sa Senado, pero kahit maliwanag ang ebidensiyang video ay nag-deny pa si Hans Montenegro.

Nawala sa limelight si Hans, at nang mag-comeback ay inamin ang totoo.

Kung may bagong Jojo Veloso, meron ding millennial Hans Montenegro, at ang kasaysayan ay mauulit pang minsan.

Ipapaubaya na lang ba ito sa karma?

Sabihin mang digital na ang karma, naka-wifi na fiber optic pa... sabi-sabi lang iyan sa photographer na mas madulas sa palos, mas nakakalusot kaysa sa hunyango.

NOEL FERRER: Kung sa U.S. ay naging malaking issue ang sexual harassment mula nang lumabas yung issue kay Harvey Weinstein, pati na yung kay Matt Lauer, at nagkalakas ng loob ang mga taong namolestiya at nasamantala ng mga may kapangyarihan, abangan natin kung magpo-progress itong isyu na ito.

At tingnan kung gaano kapurisigido ang industriya to clean its ranks.

Sinu-sino kaya ang magmi-#ME TOO sa isyung ito sa Pilipinas?

Continue reading below ↓

At matapang bang aaksyon ang mga kinauukulan o magku-close ranks para protektahan ang mga makapangyarihan?

Abangan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results