Beauty queens na talunan sa international pageant, may K bang magpayo sa candidates ng local pageant?

Feb 6, 2018

JERRY OLEA: Nakakalukring ang dalawang hitad na talunan sa beauty pageants.

Buong ningning silang nagpayo sa mga kandidata sa timpalak.

Hello, mga ate?!

Kung kayo nga, luhaan... anong mahihita ng contestants sa mga hanash ninyo?!

Wala kayong ‘K’ na kumuda kung paano makamit ang korona, dahil nganga kayo.

Ang karapatan ninyo, nasa paglahad kung paano matalo.

I believe sa kawikaang, “Physician, heal yourself.”

And I thank you.

NOEL FERRER: At kung ang actual test ay yung buhay at career nila after the pageant, kailangang patunayan pa nila ang kanilang beauty with a purpose.

Yung isa, aspiring actress. Yung isa, coffeeshop owner/entrepreneur.

Kung hindi man sila pinalad magwagi ng international crowns, sana man lang mag-succeed sila sa ibang careers nila.

Oh well, mukhang blessed naman sila with happy lovelives—yung isa with a fellow struggling actor, samantalang yung isa naman ay with a young politician. Yun na!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Winner naman sila, ah! Local nga lang.

Okay lang kung di sila wagi sa pangkalawakang patimpalak. At least, wagi naman dito sa atin. Pwede na yun.

May tsismis ako sa isang beauty queen diyan.

True kaya na break na raw sila ng long-time boyfriend niya na isa ring kilalang model at aktor-aktoran na rin?

Napabalita pa naman na kasalan na sa 2019.

Sana magkaayos, dahil ang tagal na rin ng kanilang relasyon.

Naku! Tiyak na ang daming bading ang matutuwa kung tuluyan silang maghiwalay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results