Sharon-Gabby, trending ang balik-tambalan

Feb 6, 2018

NOEL FERRER: â?­Since yesterday, TRENDING ang Sharon-Gabby loveteam.

Di ba, una niyong nabasa rito sa PEP ALERTS na may isang classic love team ang magtatambal muli?

Heto na po yun—hindi man natuloy sa pelikula sa Star Cinema, heto at pinagkakaguluhan ang pagbabalik ng Classic ‘80s Loveteam na Sharon-Gabby!

Sa katunayan, dinagsa ng request ang aming radio program na LEVEL UP: SHOWBIZ SATURDATE sa Radyo Inquirer para i-feature sila sa aming Valentine episode, at magugulat kayo sa dami ng responses ng Sharon-Gabby fans everywhere.

Nakabuo pa tuloy ng isang video na puno ng memories nila.

Jerry at Gorgy, ano ang Sharon-Gabby memory ninyo? Sa tingin ninyo, uubra pa kaya ang magic nila ngayon?

Mukha naman! Oo naman!!!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Parang ayoko nang isipin na love team pa 'yan kasi hindi na kagaya ng dati na may kilig-kiligan pa.

Siyempre di na bagay sa edad nila.

Pero tingin ko, kaya ng commercial na 'yan na pakiligin ang mga tao.

Malaking tulong din ang Ika-6 na Utos kaya interesado ang mga tao kay Gabby na nagbabalik tambalan pa kay Sharon.

Curious lang tayo lahat, pero pagkatapos niyan wala na.

JERRY OLEA: Dear Heart (1981) pa lang ay minahal agad natin ang tambalan nina Sharon at Gabby.

Tayong Dalawa (1992) ang huling pelikulang pinagbidahan nila.

Pangarap na bituin natin ang kanilang pagsasama... pagdating ng tamang panahon.

Fiftysomething na sila pareho, pero kilig-kiligan pa rin tayo kahit maputi na ang ating buhok.

NOEL FERRER: Sana makagawa sila ng matindi at magandang pelikula maipagmamalaki nila sa kanilang filmography.

Yung babagay sa edad at estado nila, dahil sa puntong ito, kailangan na nila ng mga proyektong may halaga at katuturan.

Continue reading below ↓

Yung mga legacy projects na iiwan nila sa publikong tumatangkilik at magmamahal sa kanila.

Kaya pa ‘yan, Sharon at Gabby!

Sana lang nag-mature na rin ang Pinoy audience na hindi na kailangang mag-ungkatan pa ng issue nang nakaraan para sa promo—kundi ang maiko-contribute pa nila sa industriya.

Ang wala na sigurong mas sasaya pa sa kanilang tambalan kundi ang kanilang anak na si Kristina Cassandra o KC na parang tahimik sa kanyang love life ngayon.

Basta, maligayang araw ng mga puso... soon!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results