Sexual preference ng papalicious actor, sagabal ba sa trabaho niya?

Feb 6, 2018

JERRY OLEA: Mistulang urban legend na walang kamatayan ang bulung-bulungan kaugnay sa sexual preference ng papalicious actor, na kahit nagkakaedad na ay pinagnanasaan pa rin ng kababaihan at kabadingan.

Titikwas muli ang mga kilay ng mga katkatera, at sisiklab muli ang mga hanash at kuda kay papalicious actor dahil sa proyektong payanig ng kaibigan nitong actor-singer.

Mauungkat ang pinagsaluhan nilang matamis at mapait, at marami-rami ang madadawit.

“Wala! Wala! Wala!” natatawang bulalas ng magaling na aktres nang usisain sa presscon kung meron bang lalaking pinagnasaan niya dati, na kapagkuwan ay natanto niyang lalaki rin pala ang hanap.

Nakatambal ng aktres ang papalicious actor sa movie at teleserye.

Kuwento ng beteranong line producer ng pelikulang pinagbidahan ng aktres at papalicious heartthrob, “Napanood ng direktor ang rushes ng eksenang sumusuntuk-suntok ang aktor.

“Ang lamya ni Papa!

“Nakakatawa!

“Nakakasira sa pelikula!

“Idinulog ito ni Direk sa produ, at umayon ito na kailangang i-reshoot ang maaksyong eksena.

Continue reading below ↓

“Kinausap ni Direk nang masinsinan ang aktor, ‘Kailangang i-reshoot natin ang eksenang sumusuntuk-suntok ka. Baklang-bakla kasi ang dating mo.’

“Simple ang sagot ni Papalicious Actor, ‘Opo, Direk.’

“Ni-reshoot ang suntok! Aba! Astig na ang kanyang dating! Matikas at tunay na kaibig-ibig!

“Ang pelikula, waging-wagi sa takilya!”

NOEL FERRER: Naku, naku, naku!!! Tinanong ba ng direktor nang diretso kung bading ang aktor?

Oh well, does that really matter?

As long as he delivers, at talaga namang premyado pa nga ito—so his sexuality doesn’t seem to get in the way of work.

Siyempre, ibang usapin naman kung sa pakikipagrelasyon na, kasi mahirap nang matanso, di ba? Napanood natin ‘yan sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Pero teka, hindi kaya ituloy na ang pagbabalik-tambalan nila ng dati niyang kasama sa pelikula para wagi siya ulit sa takilya?

My God! Sharon-Gabby levels ba ito? Iba naman....

GORGY RULA: No comment na ako. Mabait si Aktor.

Continue reading below ↓

Nananahimik na siya. Bakit uungkatin na naman ang matagal nang nakabaon na tsismis dahil lang sa pasabog ng actor-singer sa libro niya?

Tama na po.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results